Sa mga sandaling un ay gusto pigilan ni Pat ang oras. Tulad ng mga sandaling naramdaman nya ang pagmamahal ni Eli bago sya iwanan nito.
Bigla naman tumayo si Eli at nahihiyang humingi ng pasensya.
"Can we talk about the issue na?" - tanong ni Eli.
"Sure, I'm sorry kanina Eli. Nagdilim na ang paningin ko dahil alam ko sa sarili ko na may bagay akong dapat malaman." - nahihiyang paliwanag ni Pat
"Naiintindihan ko. Sana Pat wag ka magalit sakin. Ito na ang pinakakinatatakutan kong pangyayari. Pat I'm sorry." - pilit na ngumingiti si Eli pero hindi nya mapigilan ang pagluha
"Eli, kahit minsan hindi ako nagalit sa kahit anong malaman ko mula sayo. Kahit anong bagay pa yan Eli." - sambit ni Pat habang dahan dahan pinupunasan ang pisngi ni Eli na puno ng luha
"Pat. Ikaw ang ama ni Tantan." - humagulhol sa pag-iyak si Eli
Natigilan si Pat, hindi sya handa. Hindi nya alam na ganung kalaking bagay ang aaminin ni Eli sa kanya.
"Mahal pa rin kita.", "Ikaw gusto ko makasama" - mga salitang inaasahan nyang sasabihin ni Eli.
"Bakit nga ba hindi nya inaasahan na may mas malaki pang sekreto na pwede nya malaman. Mas matanda ng ilang weeks si Tantan kay Noah. Ilang weeks lang din nakalipas nung umalis sya nung nangyari ung sa kanila ni Clarice. Bakit hindi nya naisip. Bakit hindi nya naisip na hindi na sila mga bata tulad ng dati" - mga salitang pumasok sa isip ni Pat.
"Eli? Bakit? Tinago mo sya sakin ng ganung katagal?" - tanong ni Pat
"Sorry Pat." - paghingi nya ng pasensya sa lalaki.
Kitang kita ni Eli na nagulat si Pat sa nalaman. Hindi nya alam kung masaya ba ang lalaki.
"Alam ni Tantan?" - tanong ni Pat
"No Pat." - bulong ni Eli
"So si Eugene ang kilala nyang ama?" - Inis na tanong ni Pat
"Oo." - matipid na sagot nito.
"For 4 years Eli si Eugene ang kilala nyang ama?" - tanong ni Pat
"Bakit Eli? Bakit ganun? Parang hindi ka pumapalya na saktan ako." - naiiyak na dugtong ni Pat
"Sorry Pat." - iyak ni Eli
"Nasan ang anak ko Eli?" - tanong ni Pat
"Pat bata pa si Tantan hindi nya pa maiintindihan lahat. Please sabihin natin sa tamang panahon." - Pagmamakaawa ni Eli
"Ama nya ako. Karapatan ko din na makilala ako ng anak ko bilang tunay nyang ama." - iyak ni Pat.
"Just let me be with him. May karapatan ako sa kanya. Hahayaan ko kayo ni Eugene maging masaya kahit makasama ko lang anak ko." - pagmamakaawa ni Pat
"Just promise me na sasabihin natin sa tamang panahon." - pakiusap ni Eli
"I promise Eli." - sagot ni Pat
"And one more thing Pat. Hindi na kami ni Eugene." - pag-amin ni Eli
Nagulat si Pat sa nalaman at pinaliwanag ni Eli ang lahat.
Inakap sya ni Pat.
"You know that I still love you, right?" - tanong ni Pat
"I know Pat pero ayaw ko sirain ang pamilya nyo ni Clarice. Sundan mo sya ayusin nyo ang relasyon nyo." - pakiusap ni Eli
BINABASA MO ANG
Never Want To Let You Go
RomanceTamang pag-ibig sa maling panahon. Un ang tawag sa relasyon nilang dalawa. Ano bang tamang desisyon? Ang intayin ang tamang panahon para sa tamang pag-ibig nila habang magkasama sila? O iintayin ba nila ito na wala sa piling ng isa't- isa? "Kapag b...