Goodbye

81 1 0
                                    

"Sorry Eli, I'm so sorry. Masakit din sakin na makita kang nagkakaganyan." - nilapitan ni Pat si Eli at hinalikan nito ang dalaga

"Eli, kahit ngayong gabi. Kahit ngayong gabi lang wag mo itago sakin na mahal mo ako." Inihiga nya ang dalaga at patuloy nya itong hinalikan.

Inalis ni pat ang damit ng dalaga. Hinayaan naman ni Eli na gawin ng binata ang gusto nito sa kanya.

"Pat, I love you." Bulong ng dalaga kay Pat.

Inalis ni Pat ang saplot ng dalaga at inangkin nya ito ng gabing iyon.

---

Dumilat si Eli at kinapa ang kaliwang side ng kama.

"Pat?" Pagtatakang hanap nya sa binata.

Tumakbo sya palabas ng kwarto at nagdretso sa salas.

"Pat!" -sigaw nya sa loob ng bahay.

Napalingon si Pat na nagluluto sa kusina. Ngumiti ito at lumapit sa dalaga.

"Kapag ba dumating na ang tamang panahon ako pa rin ang hahanapin mo sa umaga sa iyong pagbangon?" Tanong nito kay Eli habang nakaakap sa likod ng dalaga.

Humarap si Eli kay Pat at hinawakan ang mukha nito. Onti onting nabuo ang luha sa mata ng dalaga.

"Pat. Nasusunog na ata yong niluluto mo." Natawang sagot nya kay Pat.

Tumakbo si Pat sa kusina at pinatay ang halos masunog na ulam.

Nagkatinginan ang dalaga at nagtawanan.

"Hotdog na lang yan nasunog mo pa." Biro ng dalaga.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Pat kay Eli.

"Eli. Iintayin ko ang tamang panahon para sa ating dalawa." Bulong ni Pat habang hawak hawak ang kamay ng mahal nyang dalaga.

"Pat, hayaan na lang natin na ang tadhana ang gumawa ng paraan para magtagpo tayo muli." Nakangiting sagot ni Eli.

Binitawan ni Eli ang kamay ni Pat at sinenyasan na umalis na. Patakas naman na bumalik si Pat sa inuupahang bahay nila.

"Oh Pat! San ka galing? Wala ka sa room mo ah. San ka natulog?" - tanong ng kaibigang si Eugene

"Haynaku, kaloka ka bff. Nagiging pariwara ka kapag yang sila Jerick nakakasama mo. Tsk" galit na sabi ni Charles.

Ngumiti lang si Pat sa dalawa at nagdretso sa kwarto nya.

"Mag- ayos ka na ng gamit mo. Nakaayos na ung smin. Aalis na tayo mamaya " - sigaw ni Charles sa kababata nya.

Malungkot na lumabas ng bahay si Pat.

"Daan tayo sa Resort para magpaalam?" - tanong ni Charles.

"Hindi pa ba pagpapaalam ang ginawa natin kagabi?" - sagot ni Eugene.

"Malapit lang naman to pwede tayo bumalik anytime." Payo ni Pat sa kaibigan habang palingon lingon sa bahay nila Eli.

"Anjan na dn sila Dad. Wala na dn tayo oras." - sagot ni Eugene.

"O okay na ba lahat ng gamit nyo? Sakay na kayo at para makauwi tayo ng maaga." - sambit ng tatay ni Eugene.

---

"Bes. Bakit ka ba umiiyak? Parang tanga to. " - pag-aalalang tanong ni Liz kay Eli.

Tumalikod lang sya sa matalik na kaibigan at pinunasan ang luha nya.

Never Want To Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon