"Eli!"
"Eli!""Bakit ba? Natutulog ung tao e." -Eli
"Diba Pm Shift ka?" - Daisy
"Oo nga. Pero may ilang oras pa ako eh. Kaya ko maligo, kumain at magmake-up ng isang oras lang." Nakasimangot na sagot nya kay daisy.
"May mga ojt ka ngayon dba? Ikaw magoorient wala sila Sir Daniel ngayon." -sagot ni daisy na natatawa-tawa pa.
"Ay! Parusa! Oo nga pala! Kung kelan may hang-over pa ako saka sila darating." -pagmamaktol nya habang padulas syang bumababa sa kama.
12:00pm
Dumating na sya sa resort dalawang oras bago ang duty nya.
"Asan na mga ojt ko?" -tanong ni Eli kay Liza.
"Wait lang bes ha. Excited na excited ka ata kasi puro boys natapat na ojt sau. Haha. May 30mins ka pa bago orientation mo sa kanila eh." Pabirong sabi ni liza sa kanya.
"Aga akong ginising ni Daisy bes eh. Pengeng kape bes. Please." -paglalambing ni Eli
"Oo na, wait ka lang jan ikaw muna magbantay dito timpla kita kape tapos tawagin ko na ang tatlong prinsipe mo. Haha" -sabay pasok ni Liza sa back office.
Pagkatapos ng ilang minuto at lumabas na si Liza kasama ang mga ojt at pinakilala ito isa-isa kay Eli.
"Ito si John Patrick, Eugene at Charles. Makakasama daw natin sila ng 2months" Pagpapakilala ni Liza
"Guys ito si Ma'am Eli natin. Sya magoorient sa inyo at makakasama nyo buong shift nyo, okay? Pakabait kayo ah." - sabi nya sa tatlo.
Inabot ni Liza ang kape kay Eli at nagpatuloy na sa pagtatrabaho.
Nagsimula naman sa pagoorient about sa trabaho at about sa hotel si Eli sa mga Ojt nya.
1:30pm
"Okay guys, darating na mga expected guests natin any time so prepare tayo ah. Be ready, be attentive and always smile." -payo ni Eli sa tatlo.
" Ito pala ang mga name plates nyo." - Liz
Pinakita ni Eli at Liza sa tatlo ang mga tamang procedure ng pagtanggap ng guest at pa-unti onti nilang pinahahandle sa guests ang tatlo.
"Patrick?" -tawag ng guest sa isang ojt
"Yes Ma'am? How may I help you?" -magalang na sagot ng binata
"Naiwan ko kasi ang ibang gamit ko sa kotse busy ung concierge nyo e pwede bang pakitulungan ang anak ko?" - pakiusap ng guest kay Patrick
"Yes Ma'am. Wala pong problema." -patrick
Sumunod sya sa anak ng guest na nakiusap at tinulungan nya ang dalaga. Hindi maiwasan ni Patrick ang titigan ang bewang ng dalagang naka crop top lang dahil sa magandang kutis at napakagandang hubog nito.
Pagbalik ni Patrick ay wala sila Charles, Eugene at Liza. Dahil may kanya kanyang guests naninaasikaso ang tatlo.
Patuloy sa pagchecheck-in ng guests si Eli at tinulungan na din ni Patrick na magpa fill-up ng information ang ibang guests na nakapila.
4:00pm
"Mejo late ung ibang guests ah. Masyado kasi malakas ung ulan ngaun. Tsk" - sambit ni Liza na nakaready na umuwi.
"Bes, uuwi ka na agad? Umuulan pa. Haha" -tanong ni Eli
"Oo bes, ayaw ko magextend may mga bantay ka naman na dito o. Kay gagandang lalaki pa." -biro ni Liza sa kaibigan.

BINABASA MO ANG
Never Want To Let You Go
RomansaTamang pag-ibig sa maling panahon. Un ang tawag sa relasyon nilang dalawa. Ano bang tamang desisyon? Ang intayin ang tamang panahon para sa tamang pag-ibig nila habang magkasama sila? O iintayin ba nila ito na wala sa piling ng isa't- isa? "Kapag b...