Another LIE

60 1 2
                                    

"Ow. Hi Pat." - kabadong sagot ni Eugene at Eli sa lalaki.

"Baby nyo?" - tanong ni Pat sa dalawa.

"Yes. Si Nataniel, Tantan for short. Hehe. Tantan say hi to tito Pat." - utos ni Eugene sa bata

"Hi!" - bati ng bata kay Pat.

Kinakabahan naman na nakatingin sa malayo sila Liz at daisy.

"O anong ginagawa nyo jan?" - tatakang tanong ni June

"Shhhh babe wag ka maingay. May nangyayaring ala teleserye sa banda dun." - sabay turo ni Liz sa dereksyon ng matalik na kaibigan.

"Si Patrick un dba? Ano ginagawa ni Patrick dito?" - tanong ni June

"Wait puntahan ko ba at itanong ko? Hindi ko din kasi alam e." - birong sagot ni Daisy

Tinuro ni Eli sila Liz kay Tantan at sinenyasan nila na salubungin si Tantan. Kinuha naman nila Liz ang bata at inaya maglaro sa may beach.

"Cute naman ng baby nyo. Mukang kasing edad sya ng anak ko." - ngiting bati ni Pat

"He's turning 4 sa December 5." - proud na proud na banggit ni Eugene

Nasanay si Eugene na ipagmalaki ang bata dahil parang sya na talaga ang ama nito. Pilit nyang inalis ang kaba nya at maging normal sa harap ni Pat dahil alam nya na kilala sya ng kaibigan nya kapag may tinatago ito sa kanya.

"Talaga? Ung anak ko sa Dec. 14" - sambi ni Pat

"Congrats sa inyo. Kamusta pala stay nyo dito? Buti itong hotel namin ang napili nyo." - dugtong at pagpapasalamat ni Pat sa dalawa

"Naassign ako dito a week ago. Hangout tayo maya Eugene? Tagal din natin hindi nagkita e." - dugtong na aya ni Pat

"Sure. Namiss ko ang kaibigan ko e." - sagot naman agad ni Eugene

"Sunod na tayo kela Tantan?" - aya ni Eli

"Sige. Pat we have to go. Maya mga 8pm?" - pahabol ni Eugene

"Sige 8pm." - ngiting sagot ni Pat

"Bakit ka pumayag?" - kabadong tanong ni Eli

"Kapag iniwasan ko sya baka magsimula syang magduda. Let's act lang na parang tulad ng dati." - ngiting sagot ni Eugene

"Okay sige tiwala ako sayo." - sagot ni Eli

"Mukang masaya na talaga si Pat. Hindi na dapat nya malamn ang tungkol samin ni Tantan. I'm sorry baby kung tinatago ko ang katutuhanan sau." - bulong ni Eli sa sarili habang nakatingin sa anak nya.

"Sir okay ka lang po ba?" - tanong ng isang receptionist kay Pat.

"Ha?" - sagot ni Pat

"Kanina ka pa po tulala." - pagaalalang tanong ng receptionist

"Hindi kasi mawala sa isip ko ung anak ng kaibigan ko." - sagot ni Pat

"Baka miss mo na ang anak mo Sir." - natatawang sagot nito.

"Siguro nga. Iwan lang kita saglit ah." - pagpapaalam ni Pat

Kinuha ni Pat ang Cellphone nya at tinawagan ang tagapagalaga ng anak nya. Nakailang tawag ito pero hindi ito sumasagot kaya ang account ni Clarice ang tinawagan nito.

"Hi babe. Napatawag ka." - excited na sagot ni Clarice sa tawag ni Pat

"Asan si Noah?" - tipid na tanong ni Pat

Never Want To Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon