Lumabas si Pat ng malaman nya na may surpise na gagawin si Eugene para kay Eli. Alam nya din na aalukin na ni Eugene na maging girlfriend na ng kaibigan ang babaeng mahal nya.
"Mukang pumayag na si Eli na maging girlfriend nya. Masaya ka na siguro Eugene " - bulong ni Pat sa hangin
Kinuha ni Eli ang mga gamit na nakakalat at tumakbo sa CR at dun na sya nagbihis.
Nagpaalam ito kay Eugene. Nagoffer ang binata na ihatid nya pero tumatakbo na ito pauwi sa bahay nila at dumeretso sa kwarto nya.
Hinawakan nya ang dibdib nya dahil hindi ito tumigil sa pagkirot. Parang dahan dahan itong napupunit.
"Why?" - tanong ni Eli sa sarili habang tuloy tuloy ang pag- iyak nya.
Nakatulugan na nya ang pag-iyak.
Kinabukasan ay nagising sya sa katok sa kwarto nya. Lumabas si Eli at nakita si Daisy na may dalang isang rose at note.
"I'm so sorry." - Eugene
Inaya na ni Daisy kumain ang kaibigan at tumambay sa may balcony. Nilabas ni Daisy ang isang kahang marlboro lights. Nagsindi ng isa si Daisy at nagulat ito ng kumuha si Eli ng isa.
Pareha silang nagyoyosi nila Liz at Daisy nung college. Sabay sabay din sila tumigil noong nagkabf si Liz.
"Stress?" - tanong ni Daisy
"Nasasaktan." - sagot ni Eli
"Eugene?" - Daisy
"Pat." - lakas loob nyang inamin kay Daisy
Nagulat si Daisy pero ayaw nya pilitin ang kaibigan na magkwento kaya tumango lang sya. Hinayaan nya na magkusa si Eli na magopen sa kanya.
"I feel like I love him." - Eli
"How about Eugene? Your prince Charming?" - Daisy
"I think he's not the one I'm looking for. Pakiramdam ko hindi sya ung lalaking nagsave sakin." - Eli
"Why don't you ask him?" - sabay buga ng usok ni Daisy
Tumahimik lang si Eli at tumayo na ito para magprepare sa pagpasok.
Paglabas nya ng bahay ay walang Pat na nagiintay sa kanya. Dali dali sya sumilip sa daan nagbabakasakali na baka makita nya ang binata na naglalakad. Pero nabigo sya. Pumasok sya mag-isa.
Dumating si Pat sa Front Desk.
"Late ka ng 5 mins." - seryosong sabi ni Eli.
"Sorry Ma'am." - seryosong sagot din ni Pat
Isang tanong, isang sagot lang kapag kinakausap ni Eli si Pat. Sobrang lamig ng trato nya sa dalaga.
Lumipas ang mga araw at lalong lumalayo si Pat sa dalaga. Habang si Eugene at patuloy sa pagsuyo sa dalaga at paghingi ng sorry sa dalaga.
Tulad ng mga nakaraan na gabi ay hindi sumasabay sa paguwi si Pat kay Eli.
Pagdating ni Eli sa bahay galing pm shift ay tumambay sya sa may garden at nagsindi ng yosi.
Tumingin sya sa langit.
Pumasok sya para kumuha ng beer at bumalik sa garden.
Tahimik ang buong paligid. Tahimik sa daan. Pero nabibingi sya sa mga salitang paulit -ulit sa isip nya.

BINABASA MO ANG
Never Want To Let You Go
Любовные романыTamang pag-ibig sa maling panahon. Un ang tawag sa relasyon nilang dalawa. Ano bang tamang desisyon? Ang intayin ang tamang panahon para sa tamang pag-ibig nila habang magkasama sila? O iintayin ba nila ito na wala sa piling ng isa't- isa? "Kapag b...