"Pat, kanina ka pa umiiyak. Pahinga ka muna." - sambit ni Eugene
"Ang sakit Eugene. Hindi ko matanggap na hindi ko na ulit makakasama si Eli." - iyak ni Pat kay Eugene
"Alam ko mahirap pero magpakatatag ka para kay Tantan." - payo ni Eugene
"Asan si Tantan?" - tanong ni Pat habang pinupunasan ang luha nya
"Kasama sya nila tita sa room hinatid sya ni Charles." - sagot ni Eugene
Pinuntahan ni Pat si Tantan.
Umiiyak si Tantan. Lalong nadurog ang pusa ni Pat sa nakita. Inakap mya ang anak nya ng mahigpit.
"Anak, andto na si Daddy. Tahan ka na." - sambit ni Pat
"Why did the angels took mommy?" - tanong ni Tantan
Hindi nakasagot si Pat at naiyak na lang sya. Nakita nya na umiiyak dn ang ina ni Eli.
"Pat, pakatatag tayo." - sambit ni Mr. Bautista
...
Pagkatapos ng libing ni Eli ay kinuha ng ina ni Eli si Tantan para makapagpahinga si Pat
"Pat, kapag okay ka na punta ka agad sa bahay para kunin si Tantan ha." - sambit ni Mrs. Bautista
Lumapit si Pat sa anak nya at inakap ito ng mahigpit at hinalikan. "
"Salamat po ma." - matipid na sagot ni Pat
"Hindi ka ba sasabay samin sa pag-uwi?" - tanong ni Eugene
"Samahan ko muna dito si Eli." - sagot ni Pat
"Sige. Tatagan mo loob mo. Kailangan ka ng anak mo Pat." - sambit ni Eugene bago iwanan si Pat
Kinuha ni Pat ang papel kung saan nakasulat ang Vow ni Eli dapat sa kasal nila.
"Babe, ngayon ko lang babasahin ang vow mo kasi ngayon lang ako nagkalakas ng loob." - pilit na ngiti ni Pat
Dahan dahan nyang binuksan ang Papel. Nakita nya ang unang salita na "Pat" sa papel at naiyak agad ito.
PAT
Mahal ko. Ito na ang pinakaiintay kong araw, ang maging isa tayo. Ang mabuo ang pamilya natin. Masyadong natagalan pero ito na andito na tayo. Akala ko ay magiging panaginip na lang ang lahat pero tinupad ng Panginoon ang dalangin ko. Ito na ang tamang panahon na para sa atin. Dati sabi ko kung hindi man sa buhay na ito ang tamang panahon para sa ating dalawa hahanapin kita sa susunod na buhay ko at hindi ko na gagawin ang mga pagkakamali ko sayo na ginawa ko sa buhay na ito. Sorry sa mga nagawa kong mali sayo at salamat. Mahal na mahal kita. Kaya ngayong sayo na ako. Pangako ko mas aagahan ko pa ang gising para mas madami ako malutong umagahan para sayo. Iintayin ko ang pag-uwi mo para salubungin ka ng akap at halik kasama ang anak mo. Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga mo sa akin. I Love You so much babe. "Napaupo sa lupa si Pat at walang tigil ang pag-iyak nito.
" Babe I'm so sorry kung hindi kita pinaglaban dati. Dapat hindi kita pinakawalan simula palang. Siguro..... Siguro hindi aabot sa ganito ang lahat. " - sambit ni Pat
...
" Anong oras na wala pa rin si Pat. Hindi din sya nasagot ng phone nya." - wika ni Mrs. Bautista
" Tawagan ko si Eugene baka magkasama sila. " - sagot ni Mr. Bautista
Brrrr.
Nagvibrate ang phone ni Eugene at sinagot nya ito.
BINABASA MO ANG
Never Want To Let You Go
RomansTamang pag-ibig sa maling panahon. Un ang tawag sa relasyon nilang dalawa. Ano bang tamang desisyon? Ang intayin ang tamang panahon para sa tamang pag-ibig nila habang magkasama sila? O iintayin ba nila ito na wala sa piling ng isa't- isa? "Kapag b...