CHAPTER ONE

87 21 4
                                    

chapter one.
mistake.

"Leigh, halika. Kakausapin muna kita." Pagtawag ng aming guro sa kaklase kong si Leigh at agad itong sumunod sa kanya while everyone was busy looking at them.

"Ano kayang gagawin ni sir? Pagagalitan niya?" Tanong ni Nathan sa kanyang katabi na katropa rin niya ngunit nagkibit-balikat lamang ito.

At kinakabahan ako, oo. Hindi na bago sa akin ang ma-include sa isang issue. Pero ibang usapan na ito. Ibang iba.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kung sakaling tanungin din ako... Or most likely, pagagalitan ako.

I know that our adviser will more likely get mad at me because of this mistake I did... I trusted somebody, specifically my long-time bestfriend, and I think she betrayed me.

Nag-ooverthink na ako masyado at natataranta na ako nang sunod na tawagin ay si Angie. Isa rin sa mga nagtraydor sa akin noon ngunit pinatawad ko siya. Pero... Baka sa pagkakataong ito ay gawin niya muli ang pagtatraydor.

I really hate traitors.

"Sylerea! Halika nga!" I can sense the anger in the eyes of our adviser kaya nanginginig akong tumayo mula sa aking upuan at sumunod sa kanya papunta sa bakanteng classroom.

Mabilis na tumitibok ang aking puso at alam kong anytime ay magcocollapse ako. Pero I have to control this feeling, my anxiety. Kailangan kong kontrolin dahil kung hindi, iisipin nilang mahina ako. Ayaw ko nun.

"Anong ginawa mo kay Regina?!" Tanong niya sa akin ngunit nanatili lamang akong nakayuko dahil natatakot ako sa ilalabas ng bibig ko. Baka magkaroon pa ng mas matinding tensyon.

"Magsalita ka!"

Hindi ako makapagsalita... Pinangungunahan ako ng kaba.

"Sige, Sonya! Anong sinabi niya about kay Regina?!" Sigaw niya sa aking bestfriend na si Sonya.

Damn.

"S-Sinabi niya p-pong malandi s-si Regina." Utal niyang sambit at agad namang umangat ang tingin ko sa kanya. Tinignan ko ito nang matalim na may halong sakit. Ngunit nang mapatingin siya sa akin ay umiwas lang siya ng tingin.

"Sige, ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit mo tinawag na malandi si Regina?!" Tanong pa sa akin ni sir nang malakas at tinignan ko lang siya.

Nawawalan na ako ng lakas, knowing na mismong bestfriend ko pa ang nagdiin sa akin. Bakit hindi niya ako pinagtanggol?

And I remembered what Susan and I talked about two nights before this day.

It was on Messenger.

You:

Paano mo nalaman na siya yung crush ko?

I asked Sonya at sobrang kinakabahan na ako ngayon, knowing na close sila ni Regina and ayaw kong maulit ang nangyari nung nakaraan.

Ang nakaraan kung saan chinat niya ang dati kong nagugustuhan... And even added yung present kong nagugustuhan. And at that moment, narealize ko ang kanyang tinatago.

Matagal ko nang napapansin na masyado siyang napapalapit sa boys na nagreresulta sa pagkagusto sa kanya ng mga lalakeng iyon.

And I'm not insecure tho! I just want her to respect me kasi. Alam nyang gusto ko yung tao then ichachat niya tapos may sendan pa ng hearts? Sino ba namang hindi magagalit doon?

Though, hindi ko naman talaga gusto yung nakaraan. Parang nagwapuhan lang pero I didn't expect that she'll act like that.

Sonya:
Ah, wala. Naisip ko lang kasi.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon