CHAPTER TWENTY-FOUR

36 13 10
                                    

chapter twenty-four.
Thaleia.

Nang lumabas ako ng CR ay wala na si Harris doon kaya agad akong naglakad nang mabilis patungo sa table namin sa pagbabakasakaling sumulpot ulit siya.

Tinadtad nila ako ng mga katanungan nilang hindi ko rin naman maisagot dahil wala ako sa mood na magsalita.

"Anong nangyari?" Si Christine.

"Nakita naming sumunod sa'yo si Harris. Anong mayroon?" Si Julienne.

"Sinampal mo na ba siya?" Si Mariko.

"Harsh mo." Sabi ni Fatima kay Mariko habang si Kenna ay tahimik lang na kumakain. Buti pa itong babaeng 'to hindi gano'n ka-ingay.

"Ay. Ayaw sumagot. Mamaya nalang natin tanungin, 'te." Saad ni Christine at nagpatuloy na sila sa pagkain. Habang ako, walang gana habang sumusulyap sulyap sa gawi nila Harris.

Nakita kong magkadikit ang balikat nila Isabella at Harris kaya napa-iwas nalang agad ako ng tingin. Parang mga timang. Edi pagbuhulin na rin nila ang bituka nila para habang buhay silang magkadikit.

Hindi ako harsh. Sarcastic lang.

Sumulyap muli ako roon at agad ding umiwas nang magtagpo ang mga mata namin nung lalaking iyon. Ang sarap tusukin nung mga mata niya. Magaganda nga, uto-uto naman.

Nang matapos kami ay agad din kaming umalis. Ngunit umamba pang manununtok si Julienne sa gawi nila Harris ngunit inawat nalang namin. Baka makita pa siya edi na-issue kami.

"Parang tanga ang k*pal. Dapat lang sa kanya ang mabugbog sarado!" Inis na sambit ni Julienne nang makarating kami sa fourth floor ng mall kung saan makikita namin ang kalawakan ng mall.

"Pwede ring dalhin mo siya rito and then ihulog mo." Suhestyon ni Christine at agad ko namang pinigilan ang pagtawa ko. Baka kung ano pang sabihin, eh.

"Hmm..." Si Julienne. "Oo nga, 'no? Dapat dinala talaga natin siya here! Bakit hindi mo iyan sinabi kanina?" She asked Christine at silang dalawa na ang nag-usap dahil may sariling mundo rin naman sila.

Nanatili lang akong nakatingin sa mga tao sa ibaba ng mall. Maraming mga magjowang nakaholding hands--yucks. Marami rin naman ang mga magkakaibigan and family na magkakasama. Marami ring mga mag-isa lang. Ay single.

Napatingin muli ako sa isang grupo ng magkakaibigan na sama sama sa ibaba at mukhang nag-aasaran silang lahat. I don't know kung ilan sila dahil nakalimutan ko na kanina at ngayon naman ay nakahalo sila sa mga tao.

Sabay na naglalakad sila Isabella at Harris. Napangiwi nalang ako dahil nagmumukha silang magkasintahan sa lagay na iyan. Bestfriend? Hahaha. Bestfriend nila mukha nila.

"Target spotted." Sabi bigla ni Christine habang nakatingin sa gawi nila Harris and friends. Agad namang napatingin ang lahat ng aming kaibigan sa tinitignan niya.

"Saan?" Saad ni Fatima at agad namang pumalatak si Christine.

"Hay nako. Hanapin mo nalang. Kbye."

Tinitigan lang nila ang mga magkakaibigan at biglang nagsalita si Julienne.

"Sundan natin sila?"

"What? No. Baka sabihan pa tayong stalker ng mga 'yan. Hindi naman sila mukhang artista. At mas lalong hindi naman tayo mukhang paparazzi." Sagot ni Mariko habang naka-crossed arms.

"Pero malay mo. May makuha tayong evidence para tuluyang mapaalis si Harris sa group natin."

Agad naming tinignan nang masaya si Julienne sa sinabi niya. Gustung-gusto niya yatang mapatalsik sa amin si Harris.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon