CHAPTER TWENTY-SIX

29 12 6
                                    

chapter twenty-six.
Isabella.

Weeks later, nakikisama na rin sa amin si Harris ngunit naroon pa rin talaga ang gap. Hindi na malapit ang loob ko sa kanya pero alam ko sa sarili kong mas lalo lamang akong nahuhulog sa kanya.

Sa nangyaring struggle namin noong nakaraan, it still haunts me. Yes. Hindi pa rin talaga ako maka-get over sa nangyari. But I don't want to bring it up again dahil alam kong magkakaroon nanaman kaming lahat ng misunderstandings.

He didn't even bothered to explain more. Lahat ng naaalala kong lumabas sa kanyang bibig ay ang salitang sorry. Sana inexplain niya nang mabuti ang side niya kaysa ma-curious ako nang ganito.

And yes, I have already forgiven him. Marupok na kung marupok eh paano ba naman kasi, mas nangibabaw ang nararamdaman ko. If ibang tao siya, alam kong hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.

About Aristotle? Hindi ko siya pagbibigyan dahil alam kong taliwas din siya sa akin. Ayaw niya sa akin. Edi kung ayaw niya, wala akong pakealam. Hindi rin ako interesadong makilala siya at maging kaibigan siya.

Kahit kaibigan siya ni Harris ay wala akong pake dahil sa pag-uugali niya. Wala akong ginagawa sa kanya pero nagawa niyang siraan ako. Ni hindi kami magkakilala. Nagkakilala lang kami for less than an hour.

I know that he knows me dahil sa way ng pakikipag-usap niya sa akin. And I bet, ikinikwento kami ni Harris sa kanya. So who cares? Ano naman kung ikinikwento kami? Wala pa rin siyang karapatang siraan kami.

Kung mas gusto niya si Isabella para kay Harris, okay lang. Hindi naman ako umaasa masyado doon sa malabong lalaking iyon.

We were in the middle of the class nang magkaroon ng emergency ang Mathematics teacher namin. She gotta go kaya binigyan niya kami ng oras para sa susunod na subject since may quiz din naman kaming lahat mamaya.

"Beh." Kenna called me. "Nakapagreview ka?"

"Magrereview palang." Bumuntong hininga ako at agad naman siyang sumagot.

"Pakopya. Hihi." Humagikhik siya at alam kong nagbibiro lang siya kaya binatukan ko ito.

"Aray! Masakit ah?" Saad niya sabay himas sa kanyang batok but I just shrugged my shoulders.

Tumingin ako sa harapan ko at nakitang naroon ang isa sa mga kaklase ko which is si Patricia.

"Yes?" I asked her and tumingin siya nang deretso sa akin kahit hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil sa buhaghag niyang buhok.

"Magpapatulong lang sana ako."

"Where?" I asked and ibinigay niya sa akin ang asul na papel at mukhang stationary yata iyon.

"Ano ito?" I asked her bago iyon buklatin. Baka mayroong mystery object na naroon eh.

"B-Buksan mo nalang..." Saad niya habang natatarantang tumitingin sa pinto ng classroom. Ano bang problema?

Binuklat ko ang papel at nakitang mayroong nakasulat doon. Syempre. May nakasulat. Ano pa nga ba?

Hi, magnet.

I'm always here for you everytime you need me. I may not be the one who lives in your heart, I will not stop loving you. I won't stop watching you.

You'll know me someday.

- +639277071770

His handwriting wasn't familiar. Yung number oo. Alam na alam ko ang number na ito. Siya yung nagtetext sa akin na tinatawag kong unknown. Bakit ba hindi nalang siya magpakilala?

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon