CHAPTER TWENTY-THREE

36 13 8
                                    

chapter twenty-three.
i'm sorry.

"Lerie? Hey!" Iwinagayway ni Wayne ang kanyang kamay sa harap ko nang makitang nakatitig nalang ako sa kanya.

"Alam kong masyado akong gwapo, hindi mo kailangang sabihin. Huwag mo nalang ako titigan." Saad niya at hinawi pa niya pataas ang kanyang buhok.

Napangiwi nalang ako at iniwas ang aking tingin kahit malakas ang kalabog ng aking puso. "Ang hangin. Sobrang lamig."

"Ah, malamig? Halika, yakapin kita." Akmang yayakapin niya ako nang hampasin ko nang mahina ang kanyang kamay. Natawa naman siya sa inasta ko at pati tuloy ako ay nahawa na rin.

"Bawal PDA!" Biglang sigaw ng kung sino. Nilingon ko ang kanyang direksyon at nakita si Christine. May dala siyang Pomeranian puppy at mukhang pinapasyal niya ito.

Lumapit siya sa aming dalawa ni Wayne. Hawak pa rin niya ang kanyang gitara habang nakatingin sa papalapit.

Sige titigan mo lang.

"What's up, pare!" She greeted Wayne at naki-fist bump pa. Tomboy ba siya? Sayang. Bet ko pa man din siya para kay Gren.

"Yow, pre." Wayne greeted back at napatingin naman si Christine sa akin na para bang nang-aasar.

"Akala ko ba--" Hindi ko na siya pinatuloy sa kanyang sasabihin.

"Akala mo lang 'yon." Napa-irap ako sa kanya at nataranta nang may bigla siyang ibinulong kay Wayne.

Umasta namang parang nagulat si Wayne. Ano kayang nakakagulat sa sinabi nung babaeng ito? Bigla naman silang natawa kaya hindi ko maiwasang ma-curious.

"Hoy. Anong pinaggagawa niyo? Anong nakakagulat at nakakatawa?" I asked them both ngunit tinawanan lang nila ako parehas.

"Anong nakakatawa?" Kunot-noo kong tanong.

"Wala. Secret lang namin. Pogi kami, eh." Si Wayne.

"Hindi ka naman pogi kaya hindi ka pwede sa usapan namin. Hehehe!" Si Christine.

Hindi ko nalang sila pinansin at pinagtuonan nalang ng atensyon ang araw na hindi pa rin lumulubog. Hindi pa sunset dahil hindi pa naman orange ang sky. Medyo mainit pa rin pero maganda sa pakiramdam ang simoy ng hangin.

"Una na ako, Wayne. Basta alagaan mo muna iyang babaeng 'yan. Nagdadrama lang iyan. Babosh!" Pamamaalam ni Christine at bumaling naman siya sa akin. "Una na ako ha? Lerie? Enjoy!" Humalakhak muna siya bago tuluyang umalis kasama ang kanyang puppy.

Sayang. Hindi ko man lang nahawakan. Hayst. Ang cute cute pa naman!

"Oh, bakit mukha kang nalugi?" Biglang tanong sa akin ni Wayne habang inilalagay niya ang kanyang gitara sa bag ng gitara. Obviously.

"Hindi ko man lang nahawakan yung puppy." Dismayado kong saad at napatawa nanaman siya.

"Ako nalang hawakan mo." He winked.

"Aso ka ba?"

"Mukha naman akong aso."

"Buti inamin mo."

"At least honest."

Iritado akong napatingin sa kanya at akmang babatukan nang hawakan niya ang kamay ko. Tinitigan ko ang kamay naming magkahawak dahil sa weird feeling nanaman na naramdaman ko.

"Hawak lang. Huwag mong saktan." Saad niya at napangisi.

"Y-Yung ano?" Kabado kong tanong at napakunot naman ang kanyang noo.

"Hindi mo maalala ang pinag-uusapan natin kanina? Ulyanin ka ba? Aba. Matanda ka na pala, Lerie," umasta siyang batang maliit. "Pwede po bang makihingi ng pera?"

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon