CHAPTER THIRTEEN

36 13 1
                                    

chapter thirteen.
spin the bottle.

Me and my friends go out often. And I have this weird feeling that I've never felt before. And I found out that it's real happiness.

Noon, I was always faking my happiness. Mapagpanggap ako to the point na hindi ako mahahalata ng mga taong ito na malungkot ako dahil ayaw kong makita nilang mahina ako.

Gusto kong maging matatag at masaya sa harapan nila kahit hirap na hirap na akong ihandle ang nararamdaman ko. It's for them to find out what I really feel. At kapag na-find out nila iyon ay ibig sabihin, nakikiramdam sila sa akin at concerned sila.

Hindi porket sinabi sa'yo nung tao na okay lang siya ay literal na okay lang talaga siya. The truth is, magkaiba ang salita sa nararamdaman. We don't usually speak out the words what our heart says. Mas kinikimkim natin ito. It's undeniable.

During our boring class in Science, bigla akong kinausap ni Kenna.

"Psst. Lerie." She called me habang kinakalabit pa ako.

"Po?"

"Available ka ba tomorrow?"

Sabado bukas at wala naman akong gagawin. Pero hindi ko alam kung papayagan ako nila mommy dahil napapadalas na rin ang paglabas ko.

"I don't know. Baka hindi ako payagan dahil halos araw araw na akong lumalabas." I told her at kumunot naman bigla ang noo niya.

"Anong halos everyday? Minsan nga lang. Ay! Hayaan mo. Kami na bahala." She told me while smirking at kinabahan naman ako sa kanya.

"A-Anong gagawin niyo?" Kinakabahan kong tanong ngunit inignore lamang niya ako. Kung magsasalita pa ako ay baka mahuli pa kami ng teacher namin. Ayaw ko namang mapalabas.

Nakinig nalang ako sa discussion ng babseng teacher namin sa harapan kahit lumalabas naman ang naririnig ko sa kabilang tainga ko. Hindi man lang maabsorb ng utak ko.

Eh paano ba naman kasi, ginugulo ako nung gagawin nila Kenna. Baka biglang may katarantaduhan silang gawin. Baka mayari ako nito.

Nang matapos ang klase ay nagulat ako nang hilahin ako palabas ni Kenna.

"Hoy. Ang sakit nung paghila mo." Sita ko sa kanya ngunit hindi siya umiimik.

"What's going on?" I asked her at napailing lamang siya.

Nagulat ako nang biglang may marinig akong footsteps papalapit sa amin. Eh paano, nandito kami sa stairway na walang tao. Medyo may kadiliman din. Takot pa man din ako rito.

Nang tignan ko si Kenna ay para siyang naghihintay base sa kanyang actions. Sino naman ang hinihintay nitong babaeng ito?

"Sino ang--" I was about to ask her nang biglang...

"HOY!"

"Puny*wa!" Napamura ako nang biglang may manggulat sa akin kaya nasikmuraan ko siya agad.

Nang makarecover ako ay nakita ko si Gren na namimilipit sa sakit sa lakas ng pagsikmura ko sa kanya. Natataranta akong lumapit sa kanya.

"S-Sorry. Sorry!" Natataranta kong pagpasensya ngunit umiiling lamang siya.

Sinampal ko nang mahina ang mukha niya. "Bakit ka ba kasi bigla biglang sumisigaw?! Nakikita mo namang ang dilim dilim tapos gaganyan ganyan ka?! Engot mo!" Sigaw ko sa kanya at may natawa naman sa aking likuran.

"Oh, kayong apat dyan. Tawa tawa pa kayo. Kayo kaya ang ganituhin ko?!" Tumayo ako at akmang sasapakin sila nang itaas nila ang dalawa nilang kamay.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon