CHAPTER TWENTY-TWO

32 14 8
                                    

chapter twenty-two.
first struggle, first wish.

Bumalik na kami sa loob ni Harris habang may ngiti sa aming mga mukha. Pinapahalata ko nalang sa kanila na there's nothing special with our smiles. Parang natural lang.

Pero naroon parin talaga ang panunudyo sa kanilang mga tingin. Alam kong iniisip nila na there's something between us kahit wala naman talaga.

Well, wala naman talaga. Am I right or left? Left. Char.

"Oh, anong nangyari sa inyong dalawa?" Julienne asked us ngunit inirapan ko lang ito. Habang napahalakhak nang kaunti si Harris.

"None. Hahaha!" Tuwang tuwa niyang saad at pina-upo na ako sa upuan ko.

Wow. Gentleman ka, bro? Sana all nalang yung iba kung ganyan.

Natawa naman ang mga babae sa amin pati na rin si Gren pero si Wayne ay nanatili lang na nakatingin sa amin habang may pilit na ngiti.

"So, sino nga 'yung mga dinescribe niyo kanina?" Mariko asked at gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Hala. Hahaha! Basta." Sagot ko at tinignan si Harris na nangingiti pa rin.

Bakit ang saya naman ng lokong ito?

Bigla naman akong tinignan ni Kenna nang nag-aalala kaya nagtaka ako. She mouthed, "Mag-usap tayo mamaya." Tumango lang ako sa kanya dahil mukhang importante base sa facial expressions niya.

"Anyway..." Biglaang singit ni Gren at biglang tumayo. "Una na ako."

"Bakit?" We all asked at agad naman niya kaming tinignan nang masama.

"Work?"

Napa-ahh naman kaming lahat at hinayaan nalang siyang umalis papunta sa counter dahil tapos naman na ang break niya. Mukhang umovertime pa nga, eh.

"Harris ba ang pangalan mo?" Nagulat ako nang tanungin ni Wayne si Harris kung iyon ba ang pangalan niya. Agad itong tumango sa kanya. Sumenyas si Wayne na sa labas silang dalawa.

Sana all makakatsismis kasama sila, eh 'no? Gusto kong makinig, eh. Hindi naman ako tsismosa pero parang gano'n na nga. Joke.

Nang makalabas silang dalawa ay agad kong hinarap ang mga babae. "Anong kalokohan nanaman ang pumasok dyan sa utak niyo?" I asked them at halata sa kanila ang magkahalong gulat at tuwa.

"Pina-amin lang namin kayo! Iyon na 'yon!" Sagot ni Julienne at nag-apir pa sila ni Christine. Mukhang pinag-usapan nga ng dalawang 'to.

"Guys." Biglang tawag sa amin ni Kenna kaya nasa kanya na ang buong atensyon naming lahat.

"Si Isabella." Sabi niya at agad naman akong kinabahan.

Yes. Si Isabella. Hindi ba, gusto iyon ni Harris? So paano magkakacrush sa akin ang lalaking iyon kung mayroon na pala siyang napupusuang iba?

Paano kung malaman ito ni Isabella? Baka masaktan siya dahil halata rin naman sa kanya na gusto niya si Harris. They should end up together at mukhang magka-edad lang naman sila. While ako, sobrang bata ko para kay Harris.

Tantya ko ay magka-batch sila Mariko at Isabella. Wala lang, feeling ko lang. Feeling ko rin ay tama na magka-batch nga lang sila. And then, yeah. Edi sil nalang. Mas bagay sila since their age gap was only one year to two years. Or baka months pa nga.

Hindi maiwasang kumirot ng puso ko dahil alam kong mas lamang siya sa akin. And alam ko ring siya ang pipiliin ni Harris kung sakali dahil mas matured siya kaysa sa akin. While I'm just a fifteen-year old girl. And both of them were already on legal age. I have three years more para tumuntong doon at alam kong sila na sa panahong iyon.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon