CHAPTER EIGHTEEN

24 14 0
                                    

chapter eighteen.
slowly developing, slowly breaking.

It's been weeks simula nang makasama namin si Harris. And I think, desidido talaga siyang manatili sa amin. But I still have this weird feeling inside me.

Palagi kong binabalewala kung anong nangyayari sa akin, kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kasi kung sakaling guluhin ko pa ito, baka magkaroon pa ako ng problema sa loob ko.

Besides, ayaw kong magkagusto sa kanya kahit alam kong nasa puntong nagkakagusto na nga talaga ako sa kanya. Ayaw ko dahil natatakot ako sa outcome. Baka magkaroon pa ako ng issue after. I am the trouble magnet so hindi ko dapat basta-bastang gawin ang mga actions ko. Hindi dapat padalos-dalos.

Whenever I look at him, it was like-- I was looking at the most beautiful image my eyes have captured. Aaminin kong hindi talaga ako nagwapuhan sa kanya no'ng una pero... Bakit ganito na ang nararamdaman ko?

Ah, basta. I won't let myself fall for him. I'm only fifteen, he's already eighteen at magna-nineteen na. Mai-issue talaga ako dahil halos apat na taon ang pagitan namin.

Everyone in this generation are judgmental, mostly teenagers. And I don't want to create a move that will trigger their criticisms.

"You will be dismissed tomorrow at 12:00PM." Our adviser told us nang makabalik siya sa classroom namin. Agad namang umugong ang ingay ng klase.

"Bakit po, maam?"

"Anong mayroon?"

"Yes! Pwede nang makagala!"

Kinalabit ako ni Kenna, "Tara. Hindi na natin nakakasama yung mga unggoy." Saad nito habang nakangisi. "Para na rin makita mo si Harris."

Mapanudyo ko itong tinignan. "Baka naman ikaw ang may gustong makita siya?" Sarkastiko kong tanong at agad naman siyang nagulat.

"Woah! Easy, girl. Tinutulungan lang kita."

Inirapan ko ito at itinuon nalang ang atensyon sa kung saan ang teacher namin.

"Quiet, class. Magkakaroon lang ng meeting ang faculty kaya maaga kayong madidismiss. So, yeah. That would be all. You may go now."

Agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko para lumabas kaya nakisabay na rin kami ni Kenna.

Inunahan ko siya sa paglalakad sa hindi malamang dahilan. Wala lang, naiinis lang ako at hindi ko talaga alam kung bakit nga ba ako naiinis? Gano'n ba ako ka-short tempered?

"Lerie! Wait!" She shouted habang pinipilit na humabol sa kanya. Tumigil nalang ako sa paglalakad at hinintay siya habang hinihingal siya.

Narito na kami sa entrance and exit ng school kaya siya hinihingal dahil medyo malayo ang nilakad naming dalawa. At medyo mabilis din ang paglakad ko.

"G-Galit-- Wooh! Galit ka ba?" Pinilit niyang magsalita kahit hinihingal siya at pinaypayan pa niya ang kanyang sarili.

Agad ko naman itong tinignan nang walang emosyon, "No." Tipid kong sagot at agad naman siyang bumuntong hininga.

"Kilala kita. Alam ko kung kailan ka galit at hindi."

Hindi nalang ako sumagot sa kanya at hinintay nalang kung ano ang susunod niyang sasabihin. Nandito lang kami at nakatayo sa tabi na para bang may hinihintay dahil parehas din kaming tulala.

Tinitignan ko lang ang mga taong dumadaan sa harap ko. Wala rin namang espesyal sa kanilang lahat. Wala ang hinahanap ng puso't isipan ko. Napabuntong hininga nalang ako.

"Heyow, wassup!" Dinig kong greet sa amin ni Julienne mula sa aming likuran. Agad akong napalingon sa kanya at wala siyang kasama.

"Mag-isa mo lang?" I asked her at napa-irap naman siya.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon