CHAPTER FIVE

51 19 7
                                    

chapter five.
clueless.

"Uy! May pogi!" Sabi ni Shirley habang nakatingin sa mga senior highschool students. Tinignan ko naman ang mga iyon but there's no interesting.

I'm not even interested on knowing their names or what. I don't like them. Boys are boys. Madalas sila manchix.

"Lapitan mo na. Nahiya ka pa." Sabi ni Lily habang kumakain. Nandito kasi kami sa canteen and halo halong mga estudyante ang narito.

"Hell no. Nakakahiya kaya."

"Pero nagpapapansin ka. Batukan kita dyan, eh."

"Huwag po."

I focused my attention on my food dahil hindi ako palasalita habang kumakain. Naramdaman ko namang parang nakatingin silang lahat sa akin kaya nag-angat ako ng tingin, "What?"

"Ang tahimik mo." Sabay sabay nilang sambit at nagkatinginan pa.

"Matagal na akong tahimik, hindi ba kayo nasanay?" Kunot-noo kong saad and they shrugged.

"Ganyan ka ba talaga 'pag kumakain? Ang tahimik." Saad ni Princess habang nakatingin siya sa pagkain niya.

"Ayaw kong magsalita kapag kumakain dahil gusto ko derederetso akong kumakain."

"Pero mas masarap kumain kapag may kausap, 'di ba?"

"I don't know. Maybe sa future ay magsasalita na rin ako habang kumakain." I smirked at pinagpatuloy na ang pagkain ko.

Nagsimula na silang mag-asaran habang papatapos na akong kumain. Ang sa kanila'y wala pa sa kalahati ang food nila.

Ito ang ayaw ko talaga. Gusto ko derederetso kumain kaya madalas ay ako ang nauunang matapos dahil hindi ako masyadong--I mean, hindi talaga ako nakikipag-usap habang kumakain.

Unless importante.

"Luh, tapos na agad si Lerie?" Tanong ni Bella at tinignan ko naman siya.

"Hindi pa."

"Ulol. Hahahaha." Pagtawa ni Bella at natawa ang lahat sa pamimilosopo ko.

Nakakatawa na iyon? Ni hindi nga ako natawa. Para hindi maging awkward ay nakitawa na rin ako para naman masaya rin ako... Kunwari.

The teacher dismissed us early dahil magpreprepare pa sila para sa World Teachers Day bukas. May pupuntahan din kasi ang mga estudyante, pupunta kaming lahat sa isang film viewing at gagawan nanaman iyon ng reaction paper panigurado.

Kinabukasan ay nauna na sila Lily sa film viewing at nagpalate ako saglit dahil tinatamad ako. Nakatulog pa ako kaya halos magna-nine na nang makarating ako roon. 10 pa naman ang batch namin kaya okay lang. Magsasign lang naman sa attendance at hihintayin nalang ang turn namin.

"Late ka nanaman." Sita sa akin ni Lily pagkarating ko ngunit tinawanan ko lang siya.

"Hindi pa naman nagsisimula. Wala rin namang gagawin, eh. Hahaha."

"Mag-attendance ka na muna roon kay kuyang senior high." Ininguso niya ang senior high na lalaki sa pinakadulo ng linya kaya pumunta na ako agad doon para magpirma.

"Late ka, miss."

"I know." Sagot ko at tinawanan ko pa.

Ngumiti lamang siya sa akin nang ibalik ko na ang pinagpirmahan at bumalik na ako kina Lily. Kahit na nagcut ako ng linya, basta ang mahalaga ay makanood ang lahat. Like duh.

"Batch 4, pasok na." Saad ng teacher namin nang lumabas na ang mga naunang batches. Pumasok na kami at umupo sa pinakalikod para mauna kaming lumabas. Iwas siksikan.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon