CHAPTER SIXTEEN

43 16 5
                                    

chapter sixteen.
GTKEO.

"Guys! May bagong tropalets! Meet Mariko." Kasama namin ngayon ni Christine si Mariko papunta sa meeting place naming magkakaibigan, yung café.

"Huda--- ooh! Mariko? Is that you?" Tumayo bigla si Gren habang tinitignan mula ulo hanggang paa si Mariko. "Ang laki laki mo na!"

"Do I know you?" Mariko asked habang nagtatakang nakatingin kay Gren. Mukhang hindi talaga sila magkakilala base sa reaksyon niya.

Napahalakhak si Gren. "Hahahaha! Aysus. Hindi ka naman mabiro, 'te."

"Is he gay?" She asked Christine at alam naming narinig din iyon ni Gren dahil narinig naman nila Fatima.

"What are you talking about?" Tanong ni Gren gamit ang Aussie accent.

"You're gay, right?" Hindi naman nagpatalo si Mariko at ginamit naman ang British accent.

Wow. Battle of accents ba ito? Nagpapakitang gilas kasi silang dalawa kahit wala namang ipinaglalaban.

"Sana okay lang kayo." I told them habang pinipigilan ko ang pagtawa ko dahil baka ako rin ang pagtawanan mamaya.

"Okay lang kami." Sabay nilang saad at nagkatinginan pa. Tinignan ko si Christine na nakapoker face lang habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Jealousy? Oh nope. Hindi nalang ako mag-iisip ng kung anu-ano dahil baka ako rin ay masapak nito. Ayaw ko namang magkaroon ng bruises.

"By the way..." Singit ni Julienne bigla at pare-pareho kaming nagulat sa pagsingit niya. Kanina pa kasi siya tahimik. "Taga saan ka, Mariko?"

"Cebu."

"Ay, Bisaya ka rin?" Agad namang tumango si Mariko at sabay silang tumili habang niyayakap ang isa't isa.

"Ako rin naman, Bisaya ah? Bakit hindi niyo ako niyayakap?" Gren asked at umambang yayakapin ang dalawa nang itulak siya palayo ni Julienne. "Ano ba?! Lagi niyo nalang ako tinutulak!" Sigaw niya at umastang nagtatampo.

"Hindi mo bagay magtampo. Huwag trying hard, beh." Pagtawa ni Kenna at sinamaan naman siya ng tingin ni Gren.

"Tss. K." Maikli niyang tugon at akmang aalis na nang hawakan ko ang kamay niya.

"Hoy."

"Ano?" Iritado niyang sambit at nagulat naman ako dahil mukha talaga siyang galit.

"Dito ka lang. Biruan lang naman."

"Kaya nga, Bangkukang. Dumito ka muna." Seryosong saad ni Christine at napabuntong hininga naman si Gren bago tumango at manatili nalang sa amin.

Pumunta kami ng park dahil boring kung mananatili lang kami sa café. Napagdesisyunan naming manood ng sunset ngayon para naman may magawa kami.

"So... Bakit ka gumawa ng deal?" Mariko asked me habang nakaupo kami sa mapunong bahagi ng park.

"To see kung sino ang mananatili sa akin." I told her without glancing at her.

"Bakit wala ka bang kaibigan?"

"Meron. I had friends before pero it turns out na hindi pala sila nagpakatotoo sa akin. They left me."

"Paano sila umalis?"

"Hindi naman totally na umalis. Parang inalis nila ako sa circle of friends namin. Namulat nalang ako one day na hindi nila ako pinapansin dahil sa hindi malamang rason." Napayuko ako habang inaalala ang nakaraan ko.

"And after that, wala na akong naging kaibigan. Kayo lang ulit ang naging kaibigan ko. Matagal na ang deal na ito pero kayo lang ang tumanggap." I smiled and gano'n din sila.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon