CHAPTER EIGHT

43 14 0
                                    

chapter eight.
silently over.

"So... Kailan ka makikipag-friendship over?" Flora asked, pinsan siya ni Bella at nandito kami sa isang café. Tatlo lang kami at kasama namin si Miguel.

Umiwas ako ng tingin habang iniinom ang blueberry italian soda. Umiling nalang ako nang makitang nakatitig lang silang dalawa sa akin.

"Hindi ko alam." I answered habang nakatingin lang sa iniinom ko.

"Gawin mo na kaya? Para naman maging malaya ka na, oh." Suhestyon ni Miguel ngunit napapikit nalang ako sa gulo ng utak ko.

Kung makikipagfriendship-over ako sa kanila ay baka mas lalo lang lumaki ang gulo. Baka mas lalo lang nila akong siraan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

"Ano na bang nangyayari sa inyo ngayon?" Flora asked at napabuntong hininga nalang ako.

"Wala."

"Wala?"

"I mean... Oo nga, wala. Hindi na kami nag-uusap."

"Si Bella?"

"Minsan ay kinakausap niya ako pero hindi na katulad ng dati. Hindi na ako pinapansin ng buong grupo nila."

"Bakit naman nila iyon ginawa sa'yo? Baka naman may ginawa ka sa kanila? Alam mo naman na malapit ka sa gulo, right?"

Natigilan ako nang marinig ang kanyang mga huling salita. Yeah, masyado akong malapit sa gulo kahit wala akong gawin.

"Baka iyon yung dahilan? Ayaw nilang mapaaway or what?" Pagconclude ni Flora.

"Eh kung gano'n naman ang situation ni Lerie, dapat tinulungan nila ito," he pointed at me. "Kung totoo silang kaibigan, ipaglalaban nila ang kaibigan nila kahit gaano pa kalaki ang problema. Sama sama nga, eh."

Flora agreed. "Kaya nga. May time ba na pinagtanggol ka nila?" She asked .e ngunit umiling lamang ako.

Wala akong matandaang tinulungan nila ako't ipinagtanggol sa issue na kinasangkutan ko. Lahat ng issue na napapasali ang pangalan ko ay mag-isa lang akong lumalaban. Kaya nga walang kwentang mga kaibigan ang mayroon sa akin.

Hindi nila ako ipinagtatanggol dahil takot na takot sila sa bibitawan nila at sa mangyayari sa hinaharap. Kung sana, pinagtanggol nila ako at hindi hinayaang lumaban mag-isa, edi matatag pa kami ngayon.

Hindi kasi all the time ay kailangang unahin ang takot at sarili. Kailangan din unahin ang ibang tao. Sakto sakto lang dapat, hindi yung sobra.

Don't be too selfish, don't be too selfless. Kasi kung sobra sobra ang ginagawa mo, tingin mo ba may maiaayos iyang nararamdaman mo? Wala.

"Never?" She asked once again.

"Never."

"So, ifriendship over mo na. Tulungan nalang kita." Miguel told me and I looked at him. "Seryoso ka?"

"Oo nga. Tutulungan nga kita."

"Kailan?"

"Bukas."

Nanlaki ang mga mata ko, "Bukas?! Agad agad? Hindi ba pwedeng ipagpalipas muna natin?"

"Ang tagal tagal na nga lang nyan, gaganyan ganyan ka pa? Paano kung hindi niyo iyan maiayos? Kung totally na wala na kayong komunikasyon?"

"Realtalker ka na nyan?" Pabiro kong saad.

"Huwag ka ngang magjoke joke dyan. Seryoso ako, pre." Pre minsan ang tawag namin dahil ang astig lang pakinggan.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon