CHAPTER TEN

34 13 3
                                    

chapter ten.
deal with me. (The first deal.)

A year had already passed but there's nothing special and bad that happened during my sophomore year. I am an upcoming grade nine student and my family decided to move in Manila at doon na kami mag-aaral ng mga kapatid ko.

It was already August and nagreready ako para pumasok sa isa sa mga universities dito sa Manila. Pinag-aral na ako agad sa university na ito para tuloy tuloy na.

Habang naglalakad ako papasok ay may nakasagi sa aking babae na mas matangkad sa akin habang siya'y tumatakbo. Narinig ko naman siyang nagsorry at tumakbo lang siya nang tumakbo. She's wearing that senior highschool uniform na kaparehas lang ng school namin.

Tinignan ko ang relo ko ngunit maaga pa naman. Bakit kaya siya nagmamadali? Siguro maaga ang schedule niya.

Pumasok nalang ako nang walang alinlangan at iwinaksi na sa aking isipan ang babaeng nakabangga ko kanina. Nagulat ako nang makitang naglalakad nalang siya. 'Di ba nagmamadali siya kanina?

Naupo siya sa isang upuan sa tabi nang makita niya ito at hinihingal na pinaypayan ang sarili. Nakatingin lamang siya sa mga taong naglalakad sa harapan niya hanggang sa ako naman ang tingnan niya. Tinitigan lang niya ako ngunit inignore ko nalang siya.

"Wait!" Tumigil ako sa paglalakad nang sumigaw siya.

Lumapit siya sa akin, "I-Ikaw ba yung n-nabangga ko kanina?" Hinihingal niyang saad at napatango naman ako agad.

"S-Sorry pala k--hay! Sorry kanina." Sabi niya at tila nahihirapan siyang magsalita dahil sobrang hinihingal siya habang tulo naman nang tulo ang pawis niya.

Ano ba kasing ginawa nito?

Hindi ko napigilang magtanong, "It's okay... By the way, ano po bang nangyari sa'yo?"

"Ah. Wala lang. May naghahabol kasi sa akin kaninang baliw na dambuhalang lalaki. Hayaan mo na iyon." Saad niya habang hinihingal pa rin pero deretso naman na siyang magsalita.

"Taga saan?" I asked. Tsismosa na kung tsismosa. Basta okay na kami nito ni ate.

"Ah. Medyo malayo university nila. Sa may Quezon City pa. Basta." Tinignan niya ang uniporme ko. "Highschool ka?"

"Opo."

"Alam mo kung saan classroom niyo?"

"Hindi po."

"Okay. Lezgo."

Sabay kaming naglakad papunta sa isang building. Baguhan palang naman ako kaya pinayagan ko na siyang sumama sa akin.

"Ay, so bago ka palang dito?" Tanong niya at agad naman akong napatango.

"Yes."

"Taga saan ka ba?"

"La Union."

"Ay weh? Maka-awat ka ti Ilokano?" Tanong niya in Ilokano language. Buti nalang talaga at marunong ako nang kaunti kaya naintindihan ko siya. (Nakakaintindi ka ng Ilokano?)

"W-Wen... Bassit lang." Sagot ko at napakunot naman ang noo niya. (Oo... Kaunti lang.)

"Pero taga La Union ka, kamo?"

"Oo nga..."

"Bakit hindi ka makaintindi? Bakit hindi ka fluent?"

"Tagalog kasi ang salita namin. Hindi kami nagi-Ilokano masyado." Nagkibit balikat lang ako at halata namang hindi siya kumbinsido. I changed the topic at ipinunta ko naman sa kanya. "Ikaw ba? Taga saan ka ba?"

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon