CHAPTER TWENTY-FIVE

42 12 10
                                    

chapter twenty-five.
he's back.

"Ano?" Biglang mahinang sambit ni Christine nang marinig ang bulong ni Julienne.

"Oo nga." Sagot ni Julienne.

Aba... Ano nanaman ang binabalak ng dalawang 'to? Sana naman hindi na maulit ang katulad kanina na umeksena sila sa mall. Grabehan iyon eh. Live action. Pwede na silang maging action star.

"Baka naman mapakulong tayo nyan?" Christine asked habang nakatingin kina Isabella at Thaleia na nasa harapan namin.

"Minor ka palang naman. Okay lang iyan. Buti sana kung si Mariko, edi siya ang napakulong." Humagikhik si Julienne at agad namang nagsalita si Mariko.

"Ikaw'ng bata ka, ipapa-DSWD kita." Mahinang saad nito at nagtawanan naman sila. Katabi ko si Kenna at alam kong nakikinig lang din siya sa pinag-uusapan no'ng mga kumag sa likuran namin.

"Ano sa tingin mo yung pinag-uusapan nila?" Kenna asked me habang nakatingin pa rin sa dinaraanan.

"Nino?"

Ininguso niya ang nasa tapat namin at nakitang nagbubulung-bulungan din ang dalawang babae. Wow. At may narinig naman akong mga salita.

"Yeah. Mga bata." Sabi ni Isabella na agad namang nagpatawa kay Thaleia.

"Hayaan mo na. Bata naman. Huwag nang patulan."

Wow! Bata raw? Eh mas isip bata nga sila kaysa sa amin! Kung requirement ang age para tumanda ang tao, hindi ko masyadong tanggap iyon. Even other old persons were acting childish. Matured ka if you act like one. Pero itong dalawang 'to? I don't think so.

"Bata raw tayo, beh." Bulong sa akin ni Kenna at naninigurong hindi kami maririnig nung dalawa.

Napatawa naman ako. "Edi sila na yung matanda. Forever young naman tayo." I told her at nag-apir kami.

Napatingin sa amin yung dalawa ngunit hindi ko ito iniwasan nang tingin. Why would I? Bakit naman ako matatakot? Dahil mas matanda sila? Ows.

Bumalik ang tingin nilang dalawa sa tapat at hindi na kami nakarinig pa ng tsismis mula sa kanilang dalawa. Napatingin ako kay Gren na tila ba'y nag-iisip kaya sinagi ko siya at agad naman siyang nagflinch.

"Anong iniisip mo?" I asked him ngunit umiling lamang siya.

"Ano nga?" Pamimilit ko pa at napasagot ko rin siya.

"Iwan na kaya natin ang dalawang 'yan?" Suhestyon niya at napatingin ako sa dalawa.

"Nope." Pagtanggi ko at nagtanong naman siya kung bakit kaya napangiti nalang ako.

"Malay natin. May makita tayo." I told him while smiling.

-

Hindi ko ba alam kung saan ba talaga kami dadalhin ng dalawang 'to. Kanina pa kasi kami paikot-ikot ng Binondo at napagpasyahan naming kausapin na silang dalawa.

"Mauuna na kami." Gren told them at agad namang napakunot ang noo nung dalawa.

"Why?" Sabay nilang tanong.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon