CHAPTER TWO

63 20 3
                                    

chapter two

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

chapter two.
fake forgiveness.

I called my mom while still sobbing and she answered it after a couple of seconds.

"Yes, baby?"

Nang marinig ko ang kanyang boses ay mas lalo akong naiyak dahil ayaw kong pumunta siya rito.

"P-Pinagbintangan n-nila ako..."

Alam kong naguluhan si mommy kaya nagtanong siya, "Ano?"

"P-Pumunta ka nalang d-dito, mommy." Umoo naman siya agad at ibinaba ko na ang tawag dahil sobrang naninikip ang aking dibdib.

Bumalik ako ng classroom namin and my friends were looking at me worriedly. Hindi ko na ituturing na kaibigan ang kahit na sino rito. Wala na akong dapat pagkatiwalaan.

We're only grade six and practice ngayon ng graduation day. Pero nagsusulat kami para sa year book kung ano ang magiging profession namin paglaki ngunit hindi ako makapagsulat nang maayos.

I wrote my name and imbes na cardiologist ang ilagay ko ay lawyer ang nailagay ko dahil ginugulo ako ng mga nangyari.

Justice is justice. The truth is the truth. And nothing can replace it, unless you're a coward.

Dinismiss na kami ng 12AM at nasa baba na si mommy panigurado. Bumaba na ako para puntahan si mommy at sinalubong niya ako nang nakakunot ang noo, "Sinabihan mo raw ng malandi si Regina?"

Niyakap ko lamang siya at inaya na sa office marahil ay naroon na silang lahat at mukhang ako nalang ang hinihintay.

Naroon si ma'am Mary, ang aming principal at pinaupo na kami.

May hawak na brown envelope ang mommy ni Regina at inilabas niya ang mga laman nito. Walang emosyon akong tumingin sa mga iyon kahit nagulat ako nang mapagtantong screenshots iyon ng conversation namin ni Sonya.

Walang hiya.

Kinuha iyon ni mommy at binasa ang conversations doon habang naguguluhan.

"I actually don't know kung anong nangyari pero before we start ay gusto kong sabihing wala akong kinakampihan," our principal said and smiled at me but I just ignored her smile. "First time lang kasi ni sir Samuel ang makaencounter ng ganito at gusto ko lang sabihin na, miss Asternosio, sa panahon ngayon ay wala kang dapat na pagkatiwalaan."

Tumango ako bilang sagot.

"Kanino mo ba nalaman yung mga salitang iyon?" She asked.

"K-Kay Ella p-po... S-Sinabi po n-niya sa akin ang a-about diyan. A-And hindi po ako ang m-may gamit ng a-account na iyan. W-Wala po akong i-idea sa conversation." I lied.

Ella is my bestfriend from other school kung saan dating nag-aaral si Regina. Sinabi sa akin ni Ella ang lahat ng impormasyon tungkol kay Regina at bago ko ito paniwalaan ay inobserbahan ko muna. Tamang hinala ngunit natatabunan.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon