CHAPTER FOURTEEN

29 13 1
                                    

chapter fourteen.
sorry. (the sixth deal.)

Nang magsimula na akong maglakad lakad dito sa amusement park mag-isa, wala akong ginawa kundi mag-humm nalang ng mga kanta dahil wala rin naman akong makausap.

Kating kati na nga ang dila ko at gusto nang magsalita. Bakit ba kasi ganito pa ang dare nila sa akin?

Well, wala naman akong magagawa kung ganyan ang dare nila. Mukhang desidido pa nga sila kanina. Ayaw pa nga siguro nilang palitan. Bakit ba nila ginagawa sa akin ito? Hmp.

Nanood nalang ako ng kung anu-ano. Pinanood ko ang mga naglalaro ng darts at kung anu-ano pa. Hindi naman kasi talaga ako pala-labas kaya hindi ko talaga alam ang mga pangalan ng pinaglalaro nila.

Tumingala ako sa mg ilaw sa paligid. Ang ganda! May iba ring naglalight up ng lantern at ipapalipad sa kalawakan. Ang ganda talaga!

Nakangiti ako habang nakatingin sa mga iyon nang biglang may nag-appear na fireworks sa langit. Woah. Ano bang mayroon ngayon.

Kahit maingay ay namamangha pa rin talaga ako sa nakikita ng mga mata ko ngayon. Maraming stars sa langit at sa tuwing puputok yung fireworks sa langit ay kasabay rin ng pagkinang ng mga bituin.

"You're too amazed by the beauty of fireworks." Dinig kong sabi ng lalaki sa tabi ko gamit ang kanyang malamig na boses. His voice was familiar and I think narinig ko na ito somewhere. Hindi ko lang maalala.

Lumingon ako sa kanya at nakita ang lalaking maputi, matangkad at mapayat. Hindi siya gwapo, hindi rin siya pangit. Sakto lang pero in short, hindi ko type.

"And?" Mataray kong tugon habang nakatingin sa kanya at bumaling naman siya sa akin.

"Just saying. I can see it through your eyes that you're really amazed. In case you're unaware."

Sa rami ba naman ng mga taong makakasalamuha ko, bakit sa taong spokening dollars pa ako napunta? At bakit niya ako kinausap? Sa kanya ko tuloy magagawa yung dare ko.

"Hindi ka marunong magtagalog?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa itaas.

"Marunong. I'm sorry." Bakit siya nagsosorry? Wala naman siyang ginawang kasalanan, ah?

"Bakit ka nagsosorry?" I looked at him at siya naman ngayon ang nakatingala.

Ano ba iyan. Hindi ko tuloy siya matignan sa mata.

"N-Nothing. I'm sorry."

Why the heck is he saying sorry? Wala naman siyang kasalanan?

Iniwasan kong mainis sa kanya kakasorry niya dahil baka hindi magwork ang dare sa akin ng mga demonyo. Kailangan kong gawin ang lahat para maganda ang flow nito.

Hindi ko muna sasabihin agad. Pero paano kung bigla siyang umalis? Paano kung bigla niya akong iwan dito? Edi hindi ako nag-accomplish sa dare ko.

Hayst. Sana babae nalang ang nakatabi ko. Nakakahiya sa lalaking ito yung dare. Mukha pa namang hindi interesado. Masyado siyang seryosong tao.

"Don't stare at me. Baka magkagusto ka sa akin."

Napa-wow naman ako nang marinig ko iyon mula sa kanya. Hindi ko alam na joker pala siya. Ang galing niyang magpatawa, grabe!

Natawa ako at bigla niya naman akong tinignan nang matalim. "What?!" Sambit niya ngunit mas natawa lang ako sa kanya.

"Ang galing mong magjoke!" I told him habang pinagtatawanan pa rin siya pero inirapan lang niya ako.

Wow. Ang taray niya!

"Tss. Bahala ka nga." Akmang aalis na siya sana nang tawagin ko siya.

"Hoy!" I called him dahil hindi ko rin naman alam ang pangalan niya kaya hoy nalang itawag ko.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon