CHAPTER ELEVEN

33 13 9
                                    

chapter eleven.
deal with me. (the second and
third deal.)

Palagi kaming magkasama ni Kenna at kahit saan ako magpunta ay naroon din siya. We literally became friends at ang iba naming mga kaklase ay tinitignan kaming dalawa nang weird.

Bakit? Hindi porket trouble magnet ako ay hindi na ako pwedeng kaibiganin.

Pumunta kami ni Kenna ng cafeteria at umorder ng pagkain. Naghanap kami ng bakanteng table ngunit wala. Nagkatinginan kami ni Kenna and she just shrugged.

"So... Saan tayo nyan?" I asked her at inilibot naman niya ang paningin niya nang matigil ito sa isang table. Sinundan ko iyon.

Nakita kong mayroong dalawang babae na magkaharap na kumakain at marami silang space doon. Enough na para makakain kami ni Kenna.

"Doon tayo?" Tinuro ko iyon at agad naman siyang tumango.

Lumapit kami sa dalawang babae na sa tingin ko ay grade eight yung isa at yung kasama niya naman ay senior highschool. Naka-hijab yung senior highschool so ibig sabihin, Muslim siya.

"Hello." Kenna and I greeted them with a smile at napatingin silang dalawa sa amin.

"H-Hello po..." Saad nung senior highschool habang nahihiyang nakatingin sa amin. Yung grade eight naman ay nakatuon lang ang atensyon sa pagkain.

"Pwede po ba kaming makiupo?" I asked at tinuro ang paligid. "Wala na kasing bakanteng upuan." I smiled and nakita ko namang parang nahihiya talaga siya. "Huwag ka mahiya, ate. Hehe." Kinakabahan kong sabi sa kanya at napangiti naman siya.

"S-Sure. Dito na kayo." Pagsang-ayon niya at pinaupo na kami sa mga bakanteng upuan. Magkatapat kami ni Kenna.

Katabi ko yung grade eight habang katabi naman ni Kenna yung senior. We started eating at napadpad ang tingin ko sa isang mesa.

Sobrang ingay kasi nila at mukhang sa kanila ang nangingibabaw. Marami rin ang napapatingin sa kanila dahil panay ang sigaw nila. Hindi ba sila nahihiya?

Lumingon si senior highschool girl sa tinitignan ko bago bumaling muli sa akin. "Ganyan talaga sila. Hayaan mo na." She smiled so do I.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain kahit na sobrang nadidistract ako sa kanila. Yes, ayaw ko nang maingay habang kumakain. Hindi dahil maarte ako, gano'n lang talaga ako.

Walang umiimik sa aming apat kaya nagbukas si Kenna ng topic. "So, anong names niyo?"

Halata namang nagulat ang katabi ko at si ate girl na senior high. "B-Bakit?" Tanong nilang dalawa nang sabay at nagsalita si grade eight. "Kayo muna."

"Luh. Ako yung naunang magtanong."

"Kayo yung umupo rito, eh."

Napasinghap nalang si Kenna at mukhang maiksi lamang ang pasensya niya. Di naglaon ay sinabi rin niya ang name niya. "My name's Kenna. And you are?"

"Si ate pa." Tinignan niya ako at nagulat naman ako.

"Sylerea. You can call me Lerie." I told her while smiling at tumango tango naman siya.

"Julienne ang pangalan ko." Sabi nung grade eight at pinagpatuloy na ang pagkain. Napatingin naman kami ni Kenna sa senior high.

"Fatima ang pangalan ko." Saad niya habang nahihiya pa rin.

"Okay, Fatima." Kenna said at nagtanong pa. "Okay lang ba kung hindi ako mag-ate? Kasi hindi ko sanay."

Tumango naman agad yung si Fatima. "Sure! Para naman hindi awkward." She smiled at nagpatuloy na kaming lahat sa pagkain.

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon