CHAPTER SIX

47 17 1
                                    

chapter six.
first time.

Everyone was smirking at us habang ang iba naman ay masama ang tingin sa amin. Ngunit hindi ko pinansin ang pagpapapansin nila. Hindi nila deserve ang oras ko.

Mula nung minura mura nila kami nung Friday? Aba. Mali iyon. Bahala silang ibully kami. Kung below the belt na, ihanda nalang nila explanation nila.

Wala akong pakealam sa kanilang lahat. Deserve nila ang karma nila.

Sumipol si Nathan habang kasama niya ang mga tropa niyang palaka. "Woooh. Nandyan nanaman ang mga langgong."

Hindi ko sila tinapunan ng tingin kahit napupuno na ako dahil ayaw kong magkaroon ng malaking away. They don't deserve my attention. They're attention-seekers lang naman. Kahit ipagsigawan nila sa social media ang galit nila sa akin, okay lang.

It's their fault naman.

"Wooh uk*nn*n*. Ang yayabang talaga oh. Vulture kasi yung isa." Pagpaparinig muli ni Nathan ngunit hindi ko pa rin siya pinansin. He said vulture, and he's talking about me.

And I remember how that started.

"Alam niyo kasi, ang blahblahblahblah." Hindi ako nakinig sa sinasabi ni Nathan habang nag-uusap usap kami rito kasama sila Marybeth at nakaupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Ang ingay mo!" Naiinis kong sita sa kanya ngunit nilabas lamang niya ang kanyang dila at inasar ako sa make-face niyang iyon.

"Pake mo?" He said and nagpatuloy siya sa pakikipagdaldalan habang nagtatawanan naman sila.

"Ang ingay mo, parrot!" Sigaw ko sa kanya at natahimik naman siya.

"Hahahaha!" Tawanan ng lahat habang nakatingin kay Nathan ngunit hindi ako natawa. Maingay talaga ang parrot. So anong ikinatahimik niya? Dapat nagpatuloy siya para naman perfectly niyang ginampanan ang role niya.

"Tss. Ano na ba iyon? Yung kalbong ibon? Yung pangit?" Nagkunwari pa siyang nag-iisip hanggang sa bigla nanaman siyang nagsalita. "Ah! Vulture!" Sigaw niya sa akin.

"Anong connect?" Kunot-noo kong tanong.

"Ikaw. Mukha kang vulture. Yucks." He told me at nagtawanan nanaman lahat. Tinawanan ko lang siya dahil wala naman akong pakealam. Hindi ako apektado dahil alam kong hindi naman totoo iyon.

Ngunit naulit pa ang pagtawag niya sa akin ng vulture almost everyday niyang gawin hanggang sa mairita ako. Itinigil ko na ang pagtawag sa kanya ng parrot ngunit hindi pa rin siya tumitigil. Nagmukha siyang machine gun na hindi nauubusan ng bala. Unli asar.

Until na napuno na ako sa kanya dahil nakakainsulto na talaga. Parang ang sakit lang sa damdamin ko dahil parang pinapamukha niya sa aking SOBRANG pangit ko. Sige na, pangit na ako pero huwag naman sanang ipamukha, right?

Umupo ako sa upuan ko at yumuko nalang habang nakapikit at gano'n din ang ginawa nila Lily nang bigla nanamang magsalita si Nathan.

"Ay nananalangin! Pre, nananalangin sila oh. Kunwari banal. Hahaha!"

Deal With The Trouble Magnet (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon