Chapter 4

11.8K 692 206
                                    

Hariette

"What's going on?"

Hinalikan ako ni Grant sa pisngi matapos nito kaming pagbuksan ng pintuan.

"Sa kanila?" Napatingin din si Grant sa mga kaibigan namin na mga nakasalampak sa sahig sa sala.

Tumango naman ako. They are so serious kasi na mukhang nagkakampi-kampihan pa.

"Candice is making a bet with Sammie."

"Talaga? What bet?" Sabat ni Alli na katabi ko. Mukhang interesado ito pagkarinig pa lang sa pangalan ni Candice.

"Sammie will give in with Terry na magkababy na sila pag natalo sya ni Candice."

"That's useless bet. No one can beat Sammie at that. Kahit nga si Railey na pambato natin, never nanalo."

"Shut up, Alli. I can hear you." Medyo nakaramdam ako ng pagkainis nang banggitin nito si Railey.

Railey may not have a good win in a chess game against Sammie. But she can beat Sam in other things. Nagkataon lang na mas magaling si Sammie sa bagay na iyon. But ot doesn't make Railey any lesser than that because of it.

"Triggered?" Pang-iinis pa nito.

"I don't care if you'll make fun of everyone. Just don't include Rail. I will surely hate you!"

Alliston just raise both of her hands to motion her giving up the issue. Mabuti na yung malinaw dito. Pwede ko syang pagpasensyahan kung sa ibang tao. But not with my bestfriend. Never mess up with Railey. Kahit takot ako sa kanya, pag kinanti nya si Railey, makikipagpatayan ako sa kanya.

"Candice is teaming up with Van. While Sammie is teaming up with Rail. Wanna bet?" tanong pa ni Grant kay Alli.

Si Alli naman ay mukhang nag-eenjoy doon.

"Sure. Hundred grand. Bets kay Sammie."

"Peso? Make it two." Yabang pa ni Grant. Mukhang handa itong magpatalo para masuportahan lang yung kapatid nito.

We all know how good Sammie and Railey in chess.

"Sure. We can even raise the stakes at half a million." yabang pa ni Alli.

"Deal!"

I rolled my eyes. Wala akong planong makipag-usap sa mga gaya ng mga ito na puro pagsusugal ang ginagawa. Why are they always in a bet?

Alice acknowledge my presence nang makita ako. Tumayo pa ito para ibigay sakin yung upuan nito na katabi ni Railey.

"Hey, Rail." I kissed her cheek. Ito naman ay inilagay lang yung kamay sa bewang ko.

"Wait, Hariette. We gotta win this. May pustahan kami ni Vanilla."

Curious naman na napatingin ako sa set ng chess pieces nila. I don't know anything about chess. Pero base sa itsura ni Sammie na tahimik lang, mukhang nahihirapan din ito manalo.

Tiningnan ko naman yung kalaban nilang team. Si Vanilla yung naglalaro. Kalmado lang si Candice na nakatingin kay Sammie at Railey na para bang yung dalawa yung pinag-aaralan nito at hindi yung mga galaw ng chess piece nila.

Nang magtama yung mga mata namin ay nag-iwas lang ito ng tingin. Nakasuot na naman ito ulit ng weird na nerdy glass. Is she trying to look smart?

Silly, Hariette. She's a genius. She doesn't need to affirm it by wearing a nerdy glasses.

"Bakit nasa kabila si Terry?" Nagtatakang tanong ko dahil nandon ito at nagmamasahe pa sa balikat ni Vanilla.

"Traydor yan kay Sammie e." Sabat pa ni Railey.

Words I never TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon