Chapter 39

15.7K 740 85
                                    

Candice

I woke up with the warmth of the body next to me. I can even feel her steady breathing fanning my neck which sends unnecessary thoughts in my mind at this early hours.

Nakatulog ba talaga ako kagabi? Did I passed out.. While we're in the middle of? Crap, Ice! Crap!

Maingat na tinanggal ko yung braso ni Hariette na nakayakap sa bewang ko. She's sleeping so peacefully next to me. I can't help but to stare at her pretty face for few more minutes bago tuluyang bumangon. Buti na lang at hindi ito nagising. Akala ko pa naman ay magigising ito dahil mababaw din kasi itong matulog.

Baka napuyat kakaintindi sakin kagabi.

Medyo nakakaramdam pa din ako ng konting hilo at panghihina nang pumasok sa washroom para maghilamos at magtoothbrush.

I'll just prepare us breakfast para maganda yung gising ni Hariette mamaya. Baka mabato na naman ako dahil sa ginawa kong pagtulog sa kanya kagabi. But I really hope not. Mukhang mabait naman sya.

Kinuha ko yung toothbrush ko at saka nagsimulang magsepilyo. Napatingin ako sa salamin nang mapansin ko yung sticky note na nakadikit doon.

If you wake up first, gisingin mo ko. I'll prepare us breakfast. You need to rest. I'm sorry that you're sick, Potato, but I am not sorry that I threw things at you. I'm still hurt but I still love you.

A soft smile formed my face. That woman! She really knows how to make me smile and fall for her deeply. Ang aga aga pa.

Pagkatapos magtoothbrush at maghilamos ay lumabas na ulit ako. Ganun pa din yung posisyon ni Hariette sa kama. Masarap pa din yung tulog nya. Siguro napuyat sya kakabantay sakin kagabi.

May times kasi na nagigising yung utak ko dahil sa dampi ng basang bimpo sa noo ko. She's probably giving me a sponge bath to stabilize my body temperature. Pero dahil inaantok ako sa di ko malamang dahilan, hindi ko na pinag-aksayahan na pilitin bumangon. Baka epekto ng gamot. Lalo pa at dama ko yung syringe na itinusok sa ugat ko ni Ate Sammie.

For the first time, I had slept peacefully and calmly. Maybe because I know it's just Hariette. She's with me. I feel safe. That's why I know it's just her.

Nangingiting lumabas ako ng kwarto. We still have few more days bago ako ulit bumalik sa trabaho. Kailangan ko siguro kumbinsihin si Ate Grant na dito na din tumira sa unit si Hariette.

Sabi naman ni Hariette, we can get married right away.

Napakunot yung noo ko nang mapansin na may nabago. Something inside the unit has changed.

Nawala na yung mga pictures nila Ate Alice at Ate Leigh. Napalitan na yun ng pictures namin ni Hariette. Actually, hindi totally magkasama o magkatabi kami. Pero she managed to edit it to make it look real.

Tapos yung mga collections pa ni Ate Alice sa display cabinet, napalitan na ng mga collection ni Hariette na mga ballpens. Mga nakabox pa iyon at nakaengraved yung pangalan nya. Nakakatuwa kasi meron doon na halatang bago lang tapos may nakalagay na Potato's.

She's making this unit, ours.

Slowly, we are creating our own space. Together.

Napatili na lang ako nang may maapakan ako na madulas na dahilan para mawalan ako ng balanse. I landed on the ground, butt first.

Damn! Flower petals? Who the heck will scattered this on the floor?

As I was about to stand up, naramdaman ko yung malambot na unan na tumama sa mukha ko.

Words I never TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon