Chapter 24

11.5K 724 297
                                    

Hariette

I put my headphones on dahil naririndi na ako sa sigaw at tili ni Alliston. Talagang nagwawala na ito. Maging si Grant nga ay tahimik na pasimpleng kumakanta na lang ng mahina habang nakatalikod samin si Alli.

"Damn it! Damn it!"

Nagulat pa ako ng biglang humarap samin si Alli at naniningkit yung mata na lumapit sakin. Gigil na tinanggal nito yung earphones ko.

"Fuck it, Rie! You weren't listening!" Bulyaw pa nito. "I told you that bitch isn't cooperating! Pahingi ako ng poison, papatayin ko na lang yung babaeng iyon. My gosh! My blood is really boiling just at the mere sight of her bitchy face!"

"Ano ba kasing ginawa mo?" Tanong ko na lang sa kanya.

Kasi naman napakamaldita nitong si Alliston. Baka kaya imbes na maawa si Ate Louella ay lalo pang nainis.

Imagine, three and a half hours kami naghintay ni Grant na matapos yang lintik na dinner date nilang yan na wala kaming ka-ide-ideya kung anong nangyayari. Pagkadating pa lang ng sasakyan namin sa venue ng date nila ay sobrang dami na ng tao at Press. Ilang fans club pa yata ni Alli yung dumating doon.

Buti na lang mayroon din mga bodyguards si Grant na dala para itaboy yung mga tao habang inihahatid si Alli. Ang problema, hindi na kami nakababa ni Grant sa sasakyan.

"Ginawa ko!?" Tiningnan ako ng masama ni Alliston. "That woman insulted me. Sabi nya hindi daw disente yung suot ko. Dapat naggown daw ako o di kaya nagpants! Letse sya! Anong hindi disente sa suot ko!?"

Napailing na lang talaga ako nang masulyapan ko si Grant na mahinang kumakanta pa din.

"Grant!" Nagpapaawang yumakap pa si Alli sa leeg ni Grant. "Help me. Grabe na yung babaeng iyon makapanglait sakin. Palibhasa sya matanda na at napaglipasan na. Is it my fault that she's no longer attractive kaya nagtatyaga na lang sya sa mga simplehang damit nya? Look at my clothes. It's decent naman di ba? Rie told me that it is."

Ano bang problema sa suot ni Alliston? Disente nga naman talaga iyon. Knee-length cocktail dress naman iyon. Okay naman yung cut at hindi naman revealing.

"Dapat talaga yung Filipiniana dress yung sinuot ko para natahimik yung bruhildang iyon!"

Ayy, Nako Alliston!

Kinapa ko yung phone ko sa bag ko at pasimpleng sinilip kung may chats or texts or missed calls ako mula kay Candice.

None?!

Mahinang napamura na lang talaga ako. Sumasabay pa yang babae na yan. So talagang hindi nya ako namimiss? It's been a week mula ng umuwi sya doon sa Isla. Wala naman pwedeng pagkaabalahan doon pero mukhang sobrang busy na busy sya.

Wait, baka may tribe doon sa isla or local people. Tapos nagkagusto na si Candice doon kaya hindi nya na ako namimiss? Urgh! That dumbass!

"Uuwi na muna ako. Bahala na kayo dyan." Pasintabi pa ni Grant na kinakalas yung braso nang nagpapaawang si Alliston.

"Grant naman e!" Napapadyak pa si Alli sa sobrang inis. "Hindi ka ba naaawa sakin? You should help me. Try getting those tapes from that bitch naman o! Sinabi ni Jen, you two, will help me!"

"Yeah, I am really willing to help." Pagsang-ayon ni Grant. "I will be happy torturing your boy toy. Pero since tapos na pala si Ate Louella na gumanti para sayo, I don't think that my help is much needed p—"

"Why are you not mad at her for being like that!?" Tili na talaga ni Alli.

Sabay pa kami ni Grant na napatakip ng tenga sa lakas niyon.

Words I never TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon