Chapter 21

12K 707 232
                                    

Hariette

"Ayoko na!"

Awtomatikong nabitawan ko yung hawak kong baso sa sinabi na iyon ni Candice. The glass broke as it hits the granite countertop. Pero wala doon yung isip ko. Nasa sinabi nito.

"What?"

Nagtatakang nilingon ko sya. Nakatingin lang din sya sakin pero hindi kagaya dati na nakangiti. Ngayon, seryoso yung itsura nito at mukhang desidido na sa desisyon niya.

"C'mon, Candice. Bakit ka ba nagkakaganyan? May pinag-awayan ba tayo?"

"Pinag-awayan?" Umiling ito. "Pag-aawayan, marami. So, we better stop this before we get into countless fights. Ayoko na."

Pagkasabi niyon ay dumiretso ito sa kama para kuhain lahat ng gamit nito. It's weird to see her having a bag. Usually kasi lagi itong walang dalang kahit anong gamit. Ngayon, she have a bag and things. The normal ones like vanity and sanitary kit. Wallet and phones. Pati yata mga kung ano-anong pambabaeng gamit nasa bag nya.

Saka ang usapan namin sa tuwing magkikita kami, no one will wear perfume dahil mabilis kumapit nga yung scent. Kaya nga nalaman ni Alli na si Candice yung madalas kong kitain dahil sa scent nga nito. Samantalang ngayon ay naaamoy ko yung perfume na ginamit nya.

Lahat ng pinag-usapan namin, binali nya. She's no longer waiting for me to just call or text her. Pag gusto nyang tumawag, tatawag sya kahit alanganin na oras dahil gusto nya lang daw makipagkwentuhan. Okay, Fine. If that's what she wants, I am giving it to her.

Pag gusto nya magcoffee sa baba ng building, okay. Pag gusto nya magpasama bumili ng kahit ano, sige. Lagi ko na nga naiiwan si Alli mag-isa kaya nga lalong tinotopak iyon.

Then why all of a sudden, Candice will act like this? Dati nga na halos wala akong time sa kanya, okay lang. Naglevel up lang kami, nagkakaganyan na sya. Tapos sya pa yung bigla na lang magsasabi na ayaw nya na? That's unfair! She's not the only one investing in this relationship. Ako din naman, just in my own ways.

Aayusin nga namin di ba? I will ask Grant's permission. I will do it for her but not now. I just need to help Alliston first. Ang daming problema ngayon ni Alli. I just can't turn my back on her right now.

"Hey!" Naiinis na hinatak ko yung braso nya. "Potato, what's wrong? Tell me. Kung may problema tayo, you have to tell it to me straight."

"Tell you straight?" Umangat pa yung gilid ng labi nito na parang nagtitimpi lang din ng inis sakin. "Hindi ka pa ba sinasampal ng problema? Ako kasi punong-puno na. Ayoko na."

"So you're just telling me to stop everything just because you're fed up?"

"Just because I'm fed up!?" Ulit pa nito.

"Potato naman kasi." nagdadabog na niyakap ko na din sya. Naiinis ako na nagagalit nga talaga si Candice. She's serious. "What have I done wrong? Tell me so I could fix it."

"Choose me, Hariette."

"I am choosing you. Kaya nga nandito ako di ba?"

"No." Umiling ito. "You're just choosing me when you're lonely. Pag napapagod ka. Pag naiinis ka kay Ate Alli. Pag kailangan mo lang ako."

"Candice, that's not true."

"Talaga? Prove it. Hiwalayan mo na si Ate Alli. Let's live together instead."

Lalo ko lang hinigpitan yung yakap ko sa kanya. She's being too much right now. Napapagod na din ako kay Alliston. Pero ngayong sinasabayan ni Candice, mas doble yung pagod na nararamdaman ko.

How can I just turn my back to Alliston and be just my selfish self? Alli has been there for me for more than two decades. Ngayon lang nya ako nirequire na manatili sa tabi nya. Ngayon lang. Tapos tatalikuran ko sya? Where's my heart?

Words I never TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon