Chapter 26

12.4K 736 163
                                    

Hariette

"Ayoko!"

"Do it!"

"Bakit hindi ikaw?"

Naiiritang binuhusan ako ni Grant nang iniinom nito.

"Fuck you!" Malakas na sigaw ko at nanlalagkit na napatingin pa ako sa puting damit kong namantsahan na ng orange juice nito.

Damn it!

"Serves you right, bitch." Ngumiti pa na nang-aasar si Grant. "Suko ka na? Break up with my sister now and save ourselves the hassle."

"Bakit hindi ikaw yung makipaghiwalay kay Jen so you would know how hard it will be?" I counter asked.

Gusto ko mang sapakin si Grant ay hindi ko magawa. Lalo pa at nasa malapit lang si Candice. Nasa ilalim ito ng puno at busy sa pagbabasa ng kung ano-anong libro.

While I and Grant are here in the field, under the scorching heat of the sun. Mangingitim talaga ako nito. Palibhasa morena na kasi si Grant kaya wala syang pakialam kahit mababad pa sya sa initan.

Damn! Damn! Magkakasunburn na yata ako. Hindi man lang ako nakapag sunscreen.

"My sister is just a teen, Hariette. Teenager! Ikaw malapit nang mawala sa kalendaryo!"

"We're of the same age, fuck you! I am just twenty six."

"Exactly!" Grant spat. "We're all twenty six. Seven years age gap, Hariette. Why don't you just marry Alliston?"

"Age is just a number. Mas mature pa nga sayo yung kapatid mo."

"Bata pa yan. Kino-corrupt mo!"

"Kino-corrupt nya din naman ako. Patas lang."

"You didn't.." Umiling pa si Grant na para bang kino-confirm iyon.

What? We're of the right age naman na di ba?

"I did." I admit. "And please don't let me tell you the details."

Tila lalong napikon si Grant. Mukhang naisip na din nito that I and Candice are not just usually fooling around.

Itinuro nito yung kanina pa nito pinapagawa sakin. But no, I really won't do it.

"You want my sister right? Learn to plant potatoes."

"I'll just buy her. Sayang yung newly-manicured nails ko no. Mag-isa ka dyan." Naiiritang sagot ko sa kanya. Kanina pa sya utos ng utos. Letse sya!

Goodness! Alam nya bang alagang-alaga ko yung kamay ko tapos pagtatanimin nya lang ako ng lintik na patatas na yan?

Kanina nga pinaghugas nya na ako ng plates at pinagluto ng lunch. It's so obvious na pinagtritripan lang ako nitong Grant na 'to.

At ang nakakainis pa, wala man lang ginagawa si Candice. Kanina nakita nya akong nagluluto sa kitchen nang kumuha sya ng tubig pero tiningnan at nilampasan nya lang talaga ako.

Tapos ngayon, grabe na sakin yung kapatid nya pero hayan, nagagawa nya pa magbasa basa lang ng kung ano-anong libro.

Is she still mad dahil sa pagpatid ko sa kanya at sa nangyari sa kamay nya? Ang babaw. Buti nga hindi ko sya nilason dahil sa lantarang paglalandi nya.

"Ice, takot yata mangitim itong babaeng ito. Ayaw mo pa ba makipaghiwalay dito?" Sigaw pa ni Grant na tinawag yung pansin ni Candice.

Nag-angat lang ng tingin si Candice samin. Napangiti pa ako nang sulyapan nya ako.

"No. I still like her kahit maging kakulay na sya nung charcoal na ginagamit nila Nana Macy sa pag-grill ng barbeque last night." Simpleng sagot ni Candice na binalik ulit yung atensyon sa librong binabasa.

Words I never TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon