I.
Him
"Doon na lang tayo mag aral sa bahay!" Pilit ni Persy samin ni Penelope.
May exam kami sa Monday kaya gusto ni Persy na mag sleepover kami ngayong gabi. Uuwi rin naman kinabukasan dahil kailangan paring mag self study dahil mahirap ang History class namin. Today is Friday kaya maagang natapos ang klase namin. Wala rin ang teacher namin para sa last subject.
"It's okay sakin, how about you Arsel?" Tanong ni Penelope,
Tumango naman ako. "Sure, ipagpaalam niyo na lang ako kina mommy."
Agad na pumalakpak sa saya si Persy. "Sure, ako ng bahala kina tita. Sige mauuna na akong umuwi dahil ihahanda ko ang lahat." Excited na sabi niya at iniwan na kami ni Penelope sa room.
"I'm going na Arsel, may sundo is here na." Paalam naman ni Penelope.
"Sure, see you later. Ingat." Ani ko at kumaway dito. Naglakad na ako papunta sa labas ng gate ng school.
May exam pa sina Apollo, siya ang kasama kung uuwi dahil wala ang driver namin. Hindi kami magkaklase ng kakambal kung si Apollo, ayaw niya kasi kaya sa ibang section siya. Ayaw niya ring sabay kaming pumapasok kaya may driver kami kaya lang ay kinailangan ni Daddy kaya kay Apollo ako sumasabay. Ewan ko nga jan sa kakambal ko ba't ayaw akong makasama e. Ang harsh niya talaga sakin. Lagi niyang reklamo kina mommy at daddy na gingulo ko daw siya eh siya nga tung mas magulo saming dalawa.
Umupo muna ako sa waiting shed sa labas ng school. It's still 3:39 pm. Mukhang matatagalan pa ako sa paghihintay. Napatingin ako sa cellphone kung hawak ko ng tumunog iyon. Persy's name flashed on it.
"Hel-"
"Okay lang daw kina tito at tita so see you later. Mwa!"
At pinutol na niya ang tawag. Grabe, pwede naman siyang mag text. Well ang dami namang pera nung isang yun. Tumunog muli ang phone ko at si mommy ang tumatawag.
"Hello, mom."
"Persy called me. I already texted Apollo na ihatid ka sa mga Lutret. Also your Dad alam na rin niya. Study hard, Arsel. I love you. I'll hang up na."
"Sure mom. Thank you and I love you too."
At naputol ang kaunti naming pag uusap ni mommy. She really is busy right now. Marami siyang bagong shows, pero limited iyon dahil nga sa Governor si Daddy. Pinatigil na siya noon ni Dad pero gusto ni mommy na tumuloy kaya sinuportahan na lang ni dad.
Napatingin ako sa bumusinang sasakyan na palabas ng gate. Ang itim na Sedan ni Apollo ay agad na tumigil sa harap ko. Tumayo na ako at lumapit roon, umikot ako para makaupo na sa passengers seat. Bago pa ako nakapasok ay nahagip ng mata ko ang lalaking nakasakay sa likod ng tricycle, naka black t-shirt siya at maong jeans. I dunno pero natulala ako sa kanya. He looks so handsome, nakatingin ito sa school namin ng nalipat accidentally ang tingin niya sakin ay agad ko ng nilihis at pumasok sa sasakyan ni Apollo.
"Mom, texted me to drive you to Lutret's mansyon. Sleep over?" Tanong ni Apollo habang bumabiyahe kami pauwi.
"Yup. Pero uwi muna tayo kukuha ako ng mga gamit." Ani ko.
"No boys right?"
Napataas ang kilay ko. "Seriously? You think magdadala kami ng lalaki sa mansyon nila Persy? Mag aaral kami don, Apollo. Wag mo nga kaming itulad sayo."
"Marami kang satsat nagtatanong lang ako ng tanong na pwedeng sagutin ng yes and no. Kaya ayaw kitang kasama sa sasakyan e, ang daldal mo." Reklamo niya.
Umirap ako. "Di wag, I'm going to tell mom then na kunan ka ng sasakyan dahil ayaw mo kung pasabayin."
"Then go. Ano gusto mo samahan pa kita?" Aniya habang nakangisi sakin.
BINABASA MO ANG
CHASED BY THE MOON (On-going)
General FictionLove conquers all. How wide thus it conquers? Artemisia Selene Mussier thought re-incarnations are just piece of shits. She didn't thought that it was true all along. When she met Edymion Cuviyer her life changed. Napaibig siya ng husto sa isang ta...