XIII.

3 1 2
                                    

XIII.

Chaos

"Ed what are you doing here?"

Nagulat ako ng nakita si Ed na nasa teresa ng kwarto ko. Tinatangay pa ng hangin ang manipis na kurtina, hinawi niya iyon tuluyang pumasok sa kwarto ko. Napaupo naman ako sa kama ko. Agad kung tinabunan ng kumot ang katawan ko dahil naalala kung wala pala akong bra shet!

"I can't hide this forever." Malumanay niyang sabi habang lumalapit sakin.

Naguguluhan naman ako kung anong ibig niyang sabihin. Mahigpit kung hinawakan ang kumot na nakatakip hanggang sa dibdib ko kase naman bakit ngayon siya pumunta?

Umupo siya sa gilid ng kama habang nakatingin sakin. Mas nilapit niya ang kaniyang mukha sakin, ang kaliwang kamay niya ay nasa kabilang gilid ko naka suporta sa katawan niya habang ang kanan naman ay humaplos sa aking mukha.

"I want to say it to you right now.." aniya habang hinahaplos ang aking mukha. Naguguluhan ako pero di ako makaprotesta ang lapit-lapit naman kasi ng mukha niya sakin.

"W-what is it?" Nauutal kung tanong. Nakatitig lang ako sa mga mata niya at ganoon rin siya.

Imbes na sumagot siya ay tinanggal niya ang kaniyang kamay sa aking pisnge at nilipat sa nakakuyom kung kamay sa kumot. Nanlambot ang kamay ko kaya unti-unti iyong natanggal nakatitig lang si Ed sakin habang ginagawa niya iyon. Napalunok naman ako sa sarili kung laway. Unti-unting lumapit ang mukha niya sakin, nagkadikit na ang ilong namin pero tinagilid niya ang kanyang ulo at nilapit ang bibig sa aking tenga.

"I lo-"

Napadilat ako. The fuck?! Panaginip? Shettttt! Grabe. Ganito na ba ka lala ang pagkagusto ko sa kaniya?

Pinikit ko ulit ang mata ko at pinilit na dugtungan ang naudlot na panaginip pero ayaw na. Sayang naman ih! Sasabihin na niya ih.

Frustrated akong bumangon sa kama. Chineck ko ang oras at 12:05 na. Bumaba ako sa kama, magti-timpla na lang ako ng gatas. Lumabas ako ng room ko. Dim lights na ang buong bahay. Naka uwi na kaya si Daddy? Pababa na ako ng hagdan ng narinig ko ang boses ni Daddy na may parang kaaway. Dahil sa kuryosidad ay sumilip ako sa siwang ng pinto sa kaniyang opisina.

May kausap siya sa telepono. Nakatalikod siya sa pinto kaya naman di niya ako makikita. Ramdam ko ang galit sa kaniyang boses. Grabe 12 na at gising parin si Daddy mukhang dahil sa trabaho ang pinagpupuyatan niya.

"I told you. Kung hindi sila aalis within 2 weeks, mapipilitan akong bombahin sila!"

Tungkol na naman ba to sa proyekto? Ano ba ang proyektong iyon? Bakit kailangang may paalisin? Mas lalo akong lumapit sa pinto para mas marinig ang pag-uusap. Alam kung mali itong ginagawa ko pero baka masasagot nito ang tanong ko kung bakit labis ang galit ni Apollo kay Daddy.

"No. Just do what I say. And I'm not doing this for her!"

Napatakip ako sa bibig ko. Her? Who?

"I don't care, dapat ay magdusa siya dahil sa ginawa niya sakin. Nagdusa ako dahil sa kaniya kaya ganoon rin ang gagawin ko sa kaniya." At pinutol na ni Daddy ang telepono.

Umatras naman ako sa pinto habang gulong-gulo parin. Sino ang tinutukoy ni Daddy? Napaka imposibleng si mommy iyon. Mukhang alitan ito mula pa sa past na hanggang ngayon ay dala-dala ni Daddy. May kabit ba siya? Ibang pamilya? Ibang babae? Sino? At bakit nangyayari to?

Bago pa ako maabutan ni daddy sa laba ng pinto niya ay mabilis akong umalis roon at bumalik sa kwarto ko. Mukhang di ko na kailangan ng gatas. Mukha rin kasing di ako makakatulog sa kakaisip kung sino ang tinutukoy ni Daddy. Sino ba ang magdudusa? May kinalaman ba ito sa galit ni daddy sa mga magihirap? Magiging katulad rin ba ng istorya ng pamilya ni Ida ang akin? Pero iba, dahil mukhang kinakasuklaman na ni daddy ang babeng iyon. Ibanh iba iyon sa daddy ni Ida na ngayon ay patuloy na nakikipag relasyon sa dati nilang kasambahay.

CHASED BY THE MOON (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon