XII.
New
Napabaling ang tingin namin sa pagsasalita ni Ida. Pumapanig siya kina Poseidon at Athena? Katulad ko siyang may kaalaman sa Greek pero bakit ganon ang statement niya?
"How can you say it? We all know that Medusa got raped." Ani ko naman.
Humarap sakin si Ida.
"Hindi lahat ng nar-rape ay talagang di ginusto. I can say that pinalabas lang ni Medusa na narape siya ni Poseidon to earn sympathy at napakatalino nga naman talaga ni Athena para malaman na it's all planned by Medusa."
Napakunot-noo ako. Bakit biglang nag iba si Ida? Hindi siya ganito noon.
I know we all have difference sa pagkakataong ito pero, it's all stated sa mga articles at libro na ganoon ang nangyari kay Medusa. So how can she say it? In front of all our classmates?! Kanina galit ako sa kanila pero ngayon gusto kung malinawagan sila na biktima nga naman talaga si Medusa dahil all this years everyone thought that Medusa is really a villain in Greek Mythology hindi nila alam ang nangyari kung pano siya naging ganoon at bakit!
"So are you saying na ganoon ka uhaw si Medusa para sa trono at kapangyarihan para ipaglandakan sa lahat na na-rape siya ni Poseidon all this years? Sorry to say this but are you dumb or what?"
Focus na focus lahat ng kaklase namin sa debate namin ni Ida. Iba naman kasi ang pinapalabas niya. Bago pa kami nasaway ni Mrs. Perez ay sumagot muling si Ida.
"Yes. She's thirsty. Sa kapangyarihan sa yaman at sa lahat. Siyempre lahat ng mahihirap ganoon ang gusto katulad ni Medusa. Kaya niya sineduced si Poseidon, pero sa kasamaang palad ay hanggang doon lang siya, hindi man lang siya pinanindigan ni Poseidon. Too bad for her. And she really deserve the punishment given by Athena. Ahas naman kasi siyang talaga."
Napatayo na ako sa inis. Kanina pa akong inis na inis tas dadagdagan pa niya?! Hindi ko na nga mahandle ng mabuti sarili ko dinagdagan niya pa ang bigat?!
"For your information, Ms. Lovern. Hindi lahat ng alipin gusto ng yaman! Dignidad at marangal na trabaho ang gusto nila. And ganoon ang ginawa ni Medusa kahit na maraming nagsasabing maganda siya ay kahit kailan di lumaki ang kaniyang ulo. Ni hindi nya ng pinapansin iyon dahil gusto niya lamang ay ang magsilbi kay Athena ng marangal. At sa di inaasahan ang kinakampihan mong si Poseidon ay ni-rape si Medusa. Poseidon who's thirsty for womens just like his brother Zeus. And then Athena na insecure rin kay Medusa dahil marami ang naririnig niyang sabi-sabi at papuri para kay Medusa ay pinarusahan ito. Ginawa siyang masama sa mata ng lahat! Hindi man lang inalam kung ano at bakit siya naging ganoon. They eventually judged her, kinalimutan siya bilang isang mahinhin, maganda at mabait na taga pagsilbi sa Templo ni Athena. She doesn't deserve the punishment, she doesn't deserve the criticism, and she doesn't deserve to be treated like that."
Napatayo na rin si Ida.
"Go on. Fight for her. We all know that Medusa is an awful beast. A hideous beast. She kills everyone, feezing and turning them into stone. Now tell if she still doesn't deserve the punishment?"
Naging mainit ang siklaban sa pagitan namin ni Ida. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Maling-mali naman kasi ang point niya. Hindi porke't alipin na ay ganoon ang magiging paningin niya! Hindi lahat ng tao yaman ang habol! Hindi lahat mukhang pera.
"You're jumping into the punishment without seeing what happened before! I already told you clearly na naging ganoon siya dahil sa galit at pagkasuklam sa mga taong pinarusahan siya sa bagay na hindi naman niya kasalanan. Everyone was deaf! Hindi nila pinakinggan ang kahit anong paliwanag, dahil nga alipin lang siya at ang gumawa ng karumal-dumal sa kanya ay isang makapangyarihang nilalang. Everyone judged her! Ni isa walang tumulong lahat ay kumampi sa kung sino ang mas makapangyarihan. Lahat sila pinaalis at pinalayas si Medusa sa lugar na kaniyang kinalakihan. So pano di siya magagalit? Panong di siya maghihiganti? Kung ikaw ba idiniin sa ganoong sitwasyon di ka maghihiganti? Di mo man lang ipaglalaban ang karapatan mo?"
BINABASA MO ANG
CHASED BY THE MOON (On-going)
General FictionLove conquers all. How wide thus it conquers? Artemisia Selene Mussier thought re-incarnations are just piece of shits. She didn't thought that it was true all along. When she met Edymion Cuviyer her life changed. Napaibig siya ng husto sa isang ta...