II.

4 1 0
                                    

II.

Reincarnation or Coincidence?

"Huh? Wala, sabi ko nga sayo ako at ang mga kasambahay lang ang dito. Well, except sa mga hardinero, taga pangalaga sa rancho at mga taga pastol ng kambing, baka at tupa."

Kung ganon, nagtatrabaho ang lalaking iyon dito kina Persy?

"Eh sino yung lalaking yun?" Ani ko sabay turo sa lalaking nagdidilig ng mga halaman ngayon sa labas.

"Ah, yan." Aniya. Hindi pa siya nagsalita hanggang sa nakaalis na ang mga nag seserve samin. "Ang gwapo no?"

Napatingin naman ako kay Persy na ngayon ay nakangisi sakin. "Anong pinagsasabi mo? Nagtatanong lang ako. Nakita ko yan kasi kanina sa harap ng school naka sakay sa tricycle kaya nagulat ako na nandito siya." Paliwanag ko.

"Okay. Defensive ka masyado e." Pinandilatan ko naman siya. "Oo na. Si Ed yan.. Edymion Cuviyer. Taga pastol ng mga kambing tsaka tupa namin. Kasambahay rin namin ang nanay niya. Matagal na sila dito pero ngayon lang nakabalik si Ed dito samin dahil nag-aaral siya sa Sicily. Scholar kasi yan ni mommy. Military ata gusto niyan."

Napatango naman ako sa sinabi ni Persy habang nakatingin parin sa lalaking nagdidilig sa labas. Mukha nga namang hindi siya isang trabahador sa kaniyang tindig at oo aaminin ko nganga napaka gwapo niya para maging isang taga pastol ng tupa.

"So sa Military Academy siya nag aaral?" Tanong ni Penelope.

"Yup. Pinapili siya ni mommy eh. Dito sa Syracuse o sa Sicily. At pinili niya ay sa Sicily dahil don ang may Military Academy. Mabait rin naman kasi ang nanay niya at siyempre siya rin kaya tinulungan sila ni mommy. Naging crush ko nga rin yan e, dati. Kaso alam niyo na ang puso ko ay para lamang kay Zayn." Pabiro niyang sabi habang nakahawak pa sa kaniyang dibdib.

Kung ganon taga pastol na siya nina Persy, scholar pa siya nina tita. At kasambahay naman ang kaniyang ina. Mababa nga ang estado nila sa buhay.

But I'm not judging their way of life o ang trabaho o estado nila sa buhay. I'm just stating the fact that our life's estate is too far from each other. But i salute them. Marangal ang kanilang trabaho mababait pa sila. Dahil kung baka sakaling iba yun ay siguradong pinagnakawan na itong sina Persy.

"Ilang taon na ba yan?" Tanong ko.

"Hala grabe, interesado ka masyado sa taga pastol namin, Arsel a? Baka mamaya mag apply kana rito samin?" Tukso ni Persy.

"Funny ka." Ani ko. "Di ba pwedeng curious lang? At ano naman masama sa pagiging isang taga Pastol?"

Agad naman napasinghap ang dalawa. Napatakip pa sila sa kanilang bibig habang namimilog ang mga matang nakatingin sakin.

"Persy, did you heard what I heard?" Ani Penelope habang nakatingin sakin.

"Seryoso ka girl? Grabe, baka naman ikulong kami ng Daddy mo niyan."

"Alam niyo ang o-over niyo. Tinanong ko lang yung edad ganyan na kayo pano pa kaya kung tinanong ko kung single pa sya?"

Agad namang tumawa ng pagkalakas-lakas ang dalawa mukha ngang kinakapos na silang dalawa sa hininga. Umayos ng upo si Persy at humarap sakin.

"Grabe, Arsel." Aniya habang inaayos ang paghinga dahil sa natatawa parin siya. "Seryoso ka ba jan? I mean hello? Baka patayin kami ng Daddy mo dahil pinagkalolu ka namin sa katulad niya?"

"Anong pinagkalolu sinasabi mo jan? Gusto ko lang naman malaman kung ilang taon na siya kung ano-ano na iniisip niyo." Ani ko sabay kagat sa manok.

"Kasi naman ghorl. This is the first time na tinanong mo kami for a boy." Ani naman Penelope.

"You're right Pen. Kasi sa school wala kang pakealam sa mga suitors mo wala ka ngang balak alamin kung anong name nito o age tas ngayon tinatanong mo ako about our shepherd?" Aniya. "Okay btw, he's older than us, Arsel. 24 na siya." Dugtong niya.

CHASED BY THE MOON (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon