XI.
Misunderstanding
"You sure you're okay now?" Tanong niya sakin. Pababa na kami sa hagdan dahil napagkasunduan naming bumalik na dahil baka hinahanap na kami.
"Yes." At ngumiti ako ng pilit.
Hindi ko alam kung mabuti bang hindi niya malaman ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kasi parang gusto kung ipaglandakan sa lahat na I'm madly and deeply inlove with him. Pero how? Ni hindi nga ako sigurado kung gusto niya ako? And kung single paba siya dahil the way na maging close sila ni Agatha ay parang di sila friends or childhood friends lang.
"Okay. Bye." Aniya at ngumiti sakin ng nakababa na kami.
"Sure.. bye." Malungkot kung paalam na alam kung di niya rin naman mararamdaman. Di niya makikita dahil nga tumalikod siya kaagad sakin at di na lumingon pang muli. What a set up right? We're totally strangers with each other in the public and kapag kami na lang dalawa ay para na kaming close friends.
Ang manhid niya. Ang manhid-manhid niya. Habang pabalik ako sa mesa namin ay inaalala ko ang tagpo namin sa rooftop kanina.
"Yes you are."
Tahimik lang siyang tumingin sakin.
"Maybe we should go back, baka hinahanap na tayo."
~~~
Pagod kung inihiga ang katawan ko sa kama. Pinikit ko ang mata ko. Masyadong maraming nangyari ngayong gabi. Hays. Napagalitan pa ako nina Persy dahil antagal ko daw akala nila ay kung may nangyari ng masama sakin. Hindi ko na lang muna kinuwento sa kanila ang nangyari sa cr at ang pagkikita namin ni Ed. Ayaw kung magkaroon na namn ako ng false hope sa pag sasama naming iyon. Maybe he's just friendly kaya ganon. But it can't change my feelings for him.
Nakatulog ako sa pag iisip. At kinabukasan ay masakit ang ulo ko pagkagising kaya agad akong naligo para maibsan iyon. Ilan oras ang binabad ko sa loob ng cr.
Ng natapos ay nagbihis na ako bago pa ako nakalabas ng kwarto ko ay nakita kung muli na naka open ang librong Greek. Nilapitan ko iyon at may nakasulat muling doon.
Its loveliness increases; it will never
Pass into nothingness:Ang hiwaga naman ng librong ito. Nagkakaroon lang ng sulat kapag... right! Nagkakasulat roon kapag nagkikita at nagkakasama kaming dalawa ni Ed. Bakit?
Mabilis na natapos nag weekend na iyon balik skwela na naman kami. Inaantok pa ako habang papasok sa classroom dahil nanood ako ng series kagabi sa netflix.
"Good morning, Arsel." Napatingin ako kay Horus na nakasandal sa pintuan ng classroom. May hawak siyang boquet ng roses.
"Di ka ba titigil?" Taas kilay kung tanong. Ghad! Di ba to marunong makaramdam ng rejected?
"I'm here as a friend. And as a friend, I'm just checking if..." natigil ang pagsasalita niya dahil napatingin siya sa likuran ko.
"Friend? You're giving me flowers then-" kunot noo akong tumingin sa kaniya dahil umiigting ang panga niya habang nakatingin sa likuran ko. Problema niya? Humarap naman ako sa tintingnan niya.
My jaw dropped when I see Ed on his military uniform. Tf! Ang gwapo niya! Nakatingin rin siya kay Horus. Ghad bakit siya nandito? Pinuntahan niya ba ako? Bakit ngayon? Nandito si Horus! Bad timing.
"Umm. E-Ed? A-anong ginagawa mo rito?" Nauutal kung tanong.
"Who is he, Arsel?" Tanong naman ni Horus.
Shet! Baka magsumbong si Horus kay Daddy! Malaking problema ito.
"Hah?" Nalilito kung sabi. "Amm.."
BINABASA MO ANG
CHASED BY THE MOON (On-going)
General FictionLove conquers all. How wide thus it conquers? Artemisia Selene Mussier thought re-incarnations are just piece of shits. She didn't thought that it was true all along. When she met Edymion Cuviyer her life changed. Napaibig siya ng husto sa isang ta...