X.
Weird
Mabilis na lumipas ang oras. Pauwi na ako ngayon sa bahay. Habang nasa loob ng sasakyan ay nag s-scroll muna ako sa social media. May nakita akong link doon about kay daddy.
"Iboboto niyo parin ba ang isang corrupt at mapag-mataas na Governor tulad niya?"
Marami ang nag like noon. How dare this peoples! Hindi corrupt si daddy! Maganda ang pamamalakad niya. Maraming hateful comments roon pero di ko na inubos basahin. Masyadong masasakit na salita ang ginagawad nila. Wala silang utang na loob. Ghad! Nakaka stress.
Pinatay ko ang cellphone ko. Siguro ay gawa-gawa lang yun ng ibang kalaban ni daddy sa politika. Sinisiraan siya para mawala ang tiwala ng sambayanan sa kanya. Pera nga naman.
Papasok na ako sa bahay ng nakasalubong ko si Daddy na palabas ng bahay. Mukhang nagmamadali ito. Nagulat pa ito ng nakita ako.
"Arsel, hija." Aniya. Lumapit ako dito at bumeso.
"San punta mo dy?" Tanong ko.
"Amm.. birthday ng kaibigan ko.. Invited ako." Putol-putol niyang sabi.
Tumango naman ako ng marahan. "Okay po. Ingat po dy."
Mukha namang di siya apektado sa mga post na iyon. Siguradong nakita na iyon ng secretary niya. Kung sabagay di naman totoo yun kaya sigurado hinayaan lang ni daddy. Marami parin naman siyang loyal supporters.
"Sure. Goodbye." Aniya at sumakay na sa SUV. Marami rin siyang kasamang guards.
Hinintay kung mawala sa paningin ko ang sasakyan bago pumasok sa loob ng bahay. Our big house feel so empty. Wala si Mommy, si Apollo, tas parati ring busy si Daddy. It's just me and the maids. Tamad akong umakyat sa ikalawang palapag. Ng nakapasok na ako sa kwarto ko ay humiga ako sa kama. This day is so tiring.
Pumasok ako sa banyo at nagbabad sa bathtub ko. Pinikit ko ang mata ko. This will relax me.
Matapos ang isang oras sa loob ng banyo ay lumabas na ako at nagbihis. Tumunog ang phone ko. Ng tingnan ko ay text iyon mula kay Persy.
Persy: Hey I'm here in Bacchus. Unplanned. May tugtog sina Apollo. Come here. I already texted Penelope.
Napairap ako. Tiningnan ko ang oras at 7:49 pa lang. Ang aga naman neto. Pero okay na rin, baka mamaya ay pagalitan siya. Curfew ko ay 12. Nag text back na ako kay Persy na darating ako, at pumasok na sa walk in closet ko para pumili ng magandang suotin.
Pinili ko ang ang isang white tube, black leather jacket and a black skirt. Black stilletos rin ang pinares ko sa baba. Dala-dala ang cellphone ko at ang maliit na silver purse ko. Pagkababa ko ay ipinag-paalam ko sa mga kasambahay na aalis ako. Magpapahatid rin ako sa driver namin. Tinext ko na rin si daddy dahil baka magalit siya. At mabuti naman ay pumayag siya basta ay umuwi ako bago mag 12.
On the way na kami sa club ng nag vibrate ang phone ko. A message from Persy. Inopen ko iyon. May sinend siyang photo. Nanlumo ako ng makita ko iyon.
It's Ed with Agatha. Nakahawak sa bewang ni Agatha si Ed papasok sila sa bar.
Persy: hmmm mukhang may nanalo na.
Pinatay ko na lang ang phone ko. Tutuloy paba ako? Nasasaktan na nga akong sa picture pa lang e. Pero i should. Dapat kunwari wala lang sakin na nandyan siya, kunwari di ako apektado.
At mukhang pinagsisihan ko talaga na tumuloy pa ako. Ghad! Magkaharap lang ang tables namin. Hindi pa kalayuan ang sa kanila samin. Hindi lang silang dalawa ni Agatha may tatlong lalaki pa siyang kasama at tatlong babae rin.
BINABASA MO ANG
CHASED BY THE MOON (On-going)
General FictionLove conquers all. How wide thus it conquers? Artemisia Selene Mussier thought re-incarnations are just piece of shits. She didn't thought that it was true all along. When she met Edymion Cuviyer her life changed. Napaibig siya ng husto sa isang ta...