IV.
Admired
"Ayos lang po kayo ma'am?" Tanong niya sakin habang nakatitig sakin na puno ng pag-aalala ang kaniyang mga mata.
Hindi ako makahagilap ng ni isang salita. Natulala ako sa kaniya. Ito ang unang pagkakataon na nagakalapit kami at ngayon kitang kita ko ang napakagwapo niyang mukha. Ang mata niyang nagiging kulay brown dahil sa sinag ng araw na tumatawa dito, pinarisan pa ng makapal na kilay at mahahaba niyang pilik mata. Naka army cut ang buhok niya, napakaganda rin ng hugis ng panga niya, ang ilong niya ay matangos at ang labi niya... napalunok ako sa saili kung laway dahil napakganda ng labi niya.
"Ma'am?"
"ARSEL!" nabalik ako sa ulirat sa biglaang sigaw nina Persy at Penelope. Agad akong napatayo ng maayos ng nakalapit na sila samin inalis rin ni Edymion ang kaniyang mga braso sakin.
Palipat-lipat pa ang tingin nina Persy at Penelope sakin at kay Edymion.
"Are you okay? I'm so sorry." Puno ng pag aalala ang boses ni Penelope sakin habang chincecheck ako.
"I-I'm okay." Ani ko. Hindi ko alam kung bakit nauutal ako. Dahil ba sa gulat ko dahil muntikan na akong mahulog sa kabayo? O dahil sa naging set up namin kanina ni Ed? Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa lapit ng katawan namin.
Argh! Talagang landi pa ang iniisip mo Arsel. Muntik ka ng mabalian ng buto kung di ka lng naligtas ni Ed!
"Thank you so much sa pagligtas kay Arsel, Ed." Pasasalamat ni Persy dito. Lumapit na rin ang ibang trabahador samin, kasalukuyan na nilang napa amo si Berlux.
"Walang anuman. Mabuti na lang at nakita ko iyon kung hindi ay siguradong sa malalim na sapa sila dumiretso ni..." mukhang di pa niya alam ang pangalan ng kabayo,
"Berlux." Ani ko. "T-thank you for s-saving me." Hindi ko mapgilang hindi mautal dahil nakatitig siya ng mariin sakin.
"You're welcome." Maikli niyang sabi sakin bago binaling ang tingin kay Persy. "Alis na po ako ma'am, naiwan ko kasi ang mga tupa." Aniya at tumalikod na samin.
Di ko rin mapigilang di puriin pati ang paglalakad niya at ang view ng kaniyang likuran. Matangkad siya sakin ng siguro ay mga 4 inches. Malaki nga talaga ang katawan niya. Kasyang kasya ako sa mga braso niya, hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang higpit ng pagkakakapit niya sakin kanina.
"Umuwi na tayo, baka matunaw pa ang pastol namin. Hali kana Arsel." Ani naman ni Persy.
"You're right, Persy. " ani naman Penelope.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Muntik na kung mamatay sa kaba dahil sa ginawa mo, Penelope." Paalala ko sa kaniya.
"I'm really sorry, Arsel. Nagulat kasi ako sa worm na nakita ko, napakalaki kasi kaya napatili ako. Alam mo namang takot ako sa mga worms ih." Paliwanag niya.
"Pahamak talaga yang bunganga mo, Penelope. Pasalamat na lang tayo at nakita siya si Ed. Kung hindi baka nasa ilog na sila ng kabayo ngayon."
"Thanks to your Knight and Shining hero. Matanong lang kita, Arsel... malaki ba?"
Nagulat ako sa tanong ni Penelope. Natawa naman si Persy.
"What? Malaki ang ano?" Is she referring sa ano? I'm not innocent, open minded ako. Teka, hindi ko naman naramdaman yun eh. "I didn't know, wala naman akong naramdaman sa parteng iba-"
Di ko na natapos ang pagsasalita ko dahil malakas na tawa ng dalawa ang umalingawngaw. Mabuti na lang at medyo malayo samin ang mga trabahador.
"Your mind is so gross, Arsel. I'm referring to his muscles!" Ani Penelope habang tumatawa parin.
BINABASA MO ANG
CHASED BY THE MOON (On-going)
General FictionLove conquers all. How wide thus it conquers? Artemisia Selene Mussier thought re-incarnations are just piece of shits. She didn't thought that it was true all along. When she met Edymion Cuviyer her life changed. Napaibig siya ng husto sa isang ta...