VI.

1 1 2
                                    

Dedicated to EACTolents

VI.

All

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa kama ko habang tinitingnan ang librong bigla ko na lang nakita sa aking kama. Mabigat ito at makapal. Medyo luma na rin kung titingnan. Binuklat ko iyon.

"Walang laman?"

Nagiging kulay brown na ang mga gilid nito dahil sa kalumaan. Ang pinagtataka ko lang ay wala naman itong laman na kahit anong content. Ano ba tung libro na to? Akala ko matutulungan niya akong alamin ang tungkol sa Greek Mythology wala rin pala. Binalik ko iyon sa study table ko at kinuha na lang ang mga reviewers ko. Mas mabuti pang tumutok muna ako sa pag aaral magkakaroon rin ako time para humanap ng mga sagot sa tanong ko.

Kinabukasan ay muntikan na akong ma late dahil sa pag re-review kagabi. Mabuti na lang at nagising ako sa ikalawang tunog ng alarm clock ko. At dahil nga marami pa ang inayos ay heto ako at lakad takbo ang ginagawa papunta sa room, gusto ko mang sumakay ng elevator papunta sa 4th floor ay di ko na ginawa dahil marami rin ang nakapila kaya no choice ako, patakbo akong umakyat ng hagdanan. Pinagtitingnan ako ng ibang estudyante. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng tumatakbo? Tss.

Nang nakarating na ako sa 4th floor ay muntikan pa akong nadapa mabuti na lang at may humawak sakin sa braso kaya di natuloy. Ng nilingon ko ay nakita ko ang nakangising mukha ni Horus.

"This must be cupid's-"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Agad kung inagaw ang braso kung hinahawakan niya.

"Shut up, Mr. Russel. You're too old para maniwala sa mga walang kabuluhang pamamana ni kupido. So if you'll excuse me." Ani ko at hindi na hinintay na magsalita pa eto. Kung ibang tao yun ay siguradong magpapasalamat ako, pero si Horus Frederick Russel iyon. The borish and brute man I've known. He thinks lahat makukuha niya basta may pera. I can't believe na gusto ni Daddy na makasundo ko iyon.

Tumakbo na ulit ako hanggang sa nakarating ako sa room. Saktong pagpasok ko ay nandiyan na rin si Ma'am Perez sa likuran ko. Dali-dali akong umupo sa upuan ko.

"Muntik ka ng ma late a?" Ani Persy. Siya ang katabi ko habang sa tabi niya ay si Penelope.

"Late na akong nakatulog kagabi dahil sa pag re-review e." Ani ko.

"I feel you." Sabad naman ni Penelope. Halata pa sa mukha niyang inaantok ito.

"Good morning class." Bati ni Mrs. Perez. Siya ang teacher namin sa History. First subject exam na agad argh! Pagkatapos naming bumati rito ay pinaupo na kami at pinaghanda ng ballpen dahil mag s-start na ang examination.

Nang nag umpisa na ay tutok na ang lahat sa kani-kanilang test paper. Mahigit isang oras din ang ginugol namin sa pagsagot sa exam. Confident akong makakapasa ako dahil halos lahat ng pinag-aralan ko kagabi ay lumabas. Worth it ang pagpupuyat ko kagabi, kahit na medyo minalas kanina ay kahit papano maayos an exam.

"Masyadong na drain ang utak ko kanina sa History." Reklamo ni Persy.

Nasa cafeteria kaming tatlo ngayon. Pinaguusapan namin ang exam kanina sa History, sigurado naman kami sa mga sagot namin yun nga lang talaga ngang na drain ang mga brain namin para makasagot.

"Grabe naman kasi ang exam, sana ginawa na lang niyang 100. Na shy pa siya?" Reklamo rin ni Penelope habang sumisipsip sa milktea niya.

"Kung naging 100 yun siguradong mas drain ang brains natin. Mabuti nga't naawa pa si maam ginawa na lang niyang 80." Ani ko naman habnag natatawa.

"Hay naku, mabuti na lang at isa na lang ang klase natin mamayang hapon. Makakapag pahinga ang isip ko." Ani Persy.

"Right..." Sang ayon ni Penelope. May sasabihin pa sana siya pero natigilan siya habang nakatingin sa likuran ko. Sinundan ko naman ang tingin niya. At napairap ako.

CHASED BY THE MOON (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon