IX.
Unsolved
Nakangiti akong nakarating sa bahay. Kahit papano ay naibsan ang sakit na nararamdaman ko. Kahit papano ay nakapag relax ang isip ko. Thanks to him. Papasok na ako ng gate ng sinalubong ako agad ng mga kasambahay.
"Naku san po kayo galing ma'am? Kanina pa po namin kayo hinahanap." Kinakabahan niyang sabi.
"Bakit? Nandito na ba si daddy?" Takang tanong ko.
"Parating na po ma'am. Kaya nga po namin hinahanap dahil baka magalit po iyon." Aniya.
Ngumiti ako dito, maganda ang araw ko kaya dapat ay tuloy-tuloy ito. "Don't worry manang, nagliwaliw lang ako. Wag niyo ng sabihin kay daddy dahil lahat tayo mappaagalitan." Ani ko at tuluyan ng pumasok ng bahay.
Papasok na ako sa kwarto ko ng nabaling ang tingin ko sa pinto ng kwarto ni Apollo. Naka half open iyon. Nandito siya? Bakit di nila sinabi! Excited akong pumasok roon at binuksan ng malaki.
"APOL-" pero natigil ako ng nakita si Riza ang isa sa kasambahay namin na naglilinis.
"Po maam?" Takang tanong niya.
Umiling lang ako bago umalis roon at bumalik sa kwarto ko. Asan ba siya? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng hoodie ko at tinadtad siya ng text. Sana mabasa niya iyon. Humiga ako sa kama. Ng napadako ang mata ko sa study table ko ay nakita kung nakabuklat ang isang libro. Bumangon ako sa kama at nilapitan iyon. Ito yung Greek Mythology!
May nakasulat na roon.
A thing of beauty is a joy for ever:
Mukhang may kasunod pa ito kaya hinalungkat ko pero wala na. Sino naman nagsulat nito rito? Ako ang nag lilinis ng kwarto kaya imposibleng may pumasok an kasambahay rito. At kung mayroon man bakit naman nila pakekealman ang mga gamit ko? Sinara ko na lang ang libro at bumalik sa kama.
A thing of beauty is a joy for ever:
Hmm ano kaya ibig sabihin nun?
Lumipas ang oras at nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Today is friday. May pasok pa kaya bumangon na ako at pumasok sa banyo para sa morning routines ko. Ng natapos na ako ay bumaba na ako para mag breakfast. Naabitan ko si mommy sa hapag. Wala si daddy at malamang si Apollo.
"Good morning, hija. Have a seat now."
Nakabihis si mommy ngayon. Medyo okay na rin ang pasa sa mukha niya.
"San lakad mo my?" Tanong ko.
"Babalik akong Sicily mamaya, Arsel. I need to go back, masyadong maraming trabaho ngayon." Aniya.
Napayuko ako sa pagkain ko. So magiging mag isa na ako ganoon? Wala si Apollo.
"Sorry hija." Napa-angat ako ng tingin kay mommy.
"Don't be mom. I know you're doing that for our family. Okay lang po." Nakangiti kung sabi. Kahit na ayaw ko siyang umalis ay ayaw ko ring maging selfish.
"I'll be back. I promise." Aniya habang nakangiti sakin.
I'm so lucky to have her as my mother. I really love her. "Sure mom. I love you."
"I love you too."
Maaga akong nakarating sa school. Medyo kaunti pa lang mga kaklase kung naririto. Ng nakita pa nila ako ay agad silang nagtatanong kung okay lang ba ako.
"I'm fine." Sagot ko naman sa kanila.
Nakaupo na ako sa upuan ko ng pumasok si Horus sa classroom namin. May dala siyang boquet ng chocolates. Nagtaas ako ng kilay dito.
BINABASA MO ANG
CHASED BY THE MOON (On-going)
General FictionLove conquers all. How wide thus it conquers? Artemisia Selene Mussier thought re-incarnations are just piece of shits. She didn't thought that it was true all along. When she met Edymion Cuviyer her life changed. Napaibig siya ng husto sa isang ta...