XX.

1 1 0
                                    

XX.

Curiousity

"Talaga?" Di makapaniwalang saad ni Persy.

Kinuwento ko sa kanila na naging guard slash driver ko si Ed. Tapos na ang class namin at nasa cafeteria kmi for our lunch.

"Omyghad, you're so lucky girl!" Ani Penelope sabay palakpak.

"But... school at bahay ako for 40 days." Nanlulumo kung sabi.

"Why?" Sabay nilang tanong.

"Sabi ni daddy. I don't know kung bakit naging ganoon, basta sabi ni Manong Edward bahay at school ako hanggang sa matapos ang festival. So 40 days yun mula bukas."

"Thats...sad." Ani Penelope.

"Well, okay lang yan. At least your crush is always beside you na!" Pampalubag loob na sabi ni Persy.

"Well. You're right." Ani ko at sabay kaming tumili na tatlo.

Napatingin pa samin ang ibang estudyante pero wala silang magagawa, masaya kami eh.

Nang bumalik na kami sa room ay di ko mapigilang di lingunin ang upuan ni Ida. Absent siya ngayong araw di namin alam kung bakit. Hanggang ngayon ay parati siyang malayo sa lahat, hindi siya kumikibo at panay ang irap niya sakin sa tuwing nahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya. Rinig ko mula sa isa naming kaklase na birthday raw ngayon ni Ida. Kaya namna absent ito.

Well, then... Happy Birthday to her.

Mabilis na natapos ang araw na iyon. Naglalakad na kami sa parking nina Persy at Penelope ng humarang sa harap namin si Horus.

I didn't see him kaninang umaga kaya inisip ko na tumigil na nga talaga siya, but then nandito na naman siya. Mukhang di talaga titigil to. Hmp.2

"Una na kmi, Arsel. Take care." Ani Persy.

"Ah, yes. Bye Arsel. See you tomorrow." Ani Penelope.

"Hah? Why.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis silang nawala sa tabi ko.

Great!

Tamad kung hinarap si Horus.

"What is it?" Diretso kung tanong.

Pinagsiklop niya ang mga labi niya at tumingin sakin. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

What's with him?

"Arsel." Tawag niya sa pangalan ko. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

Ghad! Ano bang problema ng isang to? Bakit ibang-iba ang aura niya? Is he brokenhearted? Kanino? Sakin? Dahil pinaalis ko siya? Or may iba?

Pero bakit siya emote ng emote? Playboy siya a?

"What?" Nakakunot noo kung tanong. My voice sounds rude.

"Can we be friends?"

Napakurap-kurap ako sa harap ni Horus. Why me? Andaming babaeng nagkakagusto sa kaniya a?

"Why me, Horus? Andaming babae jang willing makipagkaibigan sayo, you can always count on them." Ani ko.

Bumuntong hininga siya. "It's just you're different, Arsel. They want me to be their friends to flirt on me. Ikaw hindi! You always push me away, I can clearly see that you hate me. And I think it's much better?"

Seriously? Ano bang nakain ng isang to? Andami-dami niyang kaibigan. Madami siyang sikat na kaibigan. Then why does she keep on pursuing me?

"Horus..."

CHASED BY THE MOON (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon