XIX.

4 1 0
                                    

XIX.

Surprise

"Where have you been?" Agad na tanong ni Mommy nang nakalapit na ako sa mesa namin.

"I got lost, mom." Sagot ko.

Tumingin ako sa inuupuan ni Apollo pero wala siya roon. Mukhang umalis na siya.

"He left already. May aasikasuhin daw."

Napatango ako. Parang pagod na pagod na akong magsalita. Parang gusto ko na lang humiga sa malambot kung kama at matulog. Hindi na mag iisip tungkol sa kung ano man.

Gusto ko munang makalimot pansamantala.

"Asan daddy mo?"

Gusto kung makalimot tinanong naman ako, ayun kinakausap ang lalaking gusto ko. Mabuti sana kung nag uusap sila para sa kasal naming dalawa pero hindi, di ko nga alam kung ano ang pinag-uusapan nila.

"May kinausap pa siya mommy." Ani ko at umupo na sa upuan.

Hindi na rin kumibo si mommy hanggang sa nakasakay na kami sa sasakyan. Wala akong choice kung hindi ang sumabay sa kanila ni daddy dahil iniwan na ako ni Apollo. Hindi na ako nakapag-paalam kay Commander dahil nauna na ako sa sasakyan. Kailangan kung magpahinga dahil pagod na talaga ako, mental and physical.

"You look so tired, Arsel." Komento ni Mommy ng nasa sasakyan na kami. Nasa likurang parte ako habang magkatabi naman sila ni Daddy. Habang isang guard at driver sa harap. May nakasunod ring isa pang itim na SUV na puno ng guard namin.

"I am mom." Ani ko at pinikit ang mga mata para hindi na sila muling magtanong and mukhang effective.

Nakatulog ako ng kaunti. Nagising na lang ng huminto na ang sasakyan sa harap ng bahay. Bumaba na sina daddy at sumunod na ako. Nag goodnigjt ako sa kanila at dumiretso na sa ikalawang palapag. Nang nasa harap na ako ng pinto ay tumingin pa ako sa lwarto ni Apollo. I wonder siguradong nahihirapan rin siya. Kahit sabihin niyang iba kami ng sitwasyon ay ganoon parin iyon.

Bumuntong hininga ako at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko. Nagbihis ako ng pambahay at ginawa ang night routine ko. Matapos ay agad na akong nahiga sa kama ko, doon ko naramdaman lahat ng pagkd at sakit sa katawan ko.

"You're my friend."

Umalingawngaw sa isip ko ang sinabi kanina ni Ed.

Naiinis kung hinampas-hampas ang unan ko habang pagulong-gulong sa kama.

Pinapaalala talaga? Paulit-ulit? Di ko nga matanggap ih! Okay na sana ih ba't dapat pang sabihin talaga yun. Di ba pwedeng protective lang siya dahil ababe ako at ayaw niyang nasasaktan ang mga babae? Di ba pwede yun? Argh!

Ilang oras pa akong pagulong-gulong sa kama bago dinalaw ng antok.

Ng sumunod na araw ay dahil walang pasok nag bond na lang kami ni mommy sa pool. Si daddy ay busy dahil sa padating na festival ng Syracuse which is next month na.

My weekends were fine. Nung saturday ay bumalik na si mommy sa Sicily and nag mall kami nina Persy at Penelope nung Sunday. Marami kaming biniling mga bagong damit, sapatos, bags and many more. Noon lng naman kasi kami muling nakapag- shopping.

Pagod na pagod ako nung Sunday dahil sa pasalin-salin kami ng stores kaya naman mabilis akong nakatulog sa araw na iyon.

Nagising ako sa katok sa labas ng kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung anong oras na. It's 6:02. Napabangon ako sa kama. Napaganda ang tulog ko. 8 AM pa naman class ko, so pwede pa akong matulog konti?

Pahiga na ako sa kama ng kumatok muli.

"Sino yan?" Tanong ko.

Pero imbes na sumagot ay kumatok na lang ito. Di ba niya narinig ang tanong ko sa labas? Minsan tung mga kasambahay namin binge hmmm.

CHASED BY THE MOON (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon