XIV

1 1 0
                                    

XIV

Who is he?

"Gusto niya talaga malamang si Horus! Like kahit ganon ang ugali nun di mapagkakailang magandang lalaki si Horus." Ani Persy.

Nasa isang coffee shop kami ngayon, bagong open rito sa mall. Maagang natapos ang klase namin kaya naman napagkasunduan naming pumanhik rito.

"Yes! You're right!" Puna naman ni Penelope.

"Pero diba dapat tinanong niya muna ako kung gusto ko ba si Horus? At di ba halata na wala akong nararamdaman para sa isang yun? Like duh? I'm always rejecting that borish!" Ani ko naman sabay inom sa capuccino ko.

"Well, girls are girls. Alam mo namang tayong mga babae kapag may gustong lalaki di tayo nagagalit sa lalaking gusto natin, mas nagagalit tayo sa babaeng ginugusto nila." Paliwanag naman ni Persy.

Well, talaga nga namang may point siya.

"Agree! Tulad mo Arsel! Galit na galit ka kay Agatha, pero di mo man lang kayang magalit ng sagad kay Ed kasi gusto mo siya!"

Napa-angat ako ng kilay. Para namang pinapamukha nilang dalawa na talaga nga namang patay na patay ako kay Ed. Well.. kinda. But then di naman dadating sa point na talagang magiging obsess ako don noh!

"Right! Nagagalit ako pero di tulad ng kay Ida. Na harap-harapan akong ginaganon. I'm just using my imagination samantalang siya punapamukha niya talaga." Ani ko.

Pinatong ni Persy ang dalawang siko niya sa mesa at nilagay ang chin sa dalawang palad niya na magkadugtong.

"We all have differences in terms of that Arsel. Kasi naman siya nakikita ka niya araw-araw, mag kaklase pa kayo at sa room pa parati si Horus. Kaya malamang ay ipapakita niya talagang naiinis siya sayo. At sa case mo naman, hindi mo palaging nakikita si Agatha, minsan mo lang din sila nakitang magkasama ni Ed kaya naman ganyan pa lang ang reaction mo. I bet kung anong magiging reaction mo kung makita mo sila sa araw-araw flirting with each other." Nakangising sabi ni Persy.

Nalukot ang mukha ko sa sinabi ni Persy. Palagi siyang may point.

"You got me." Ani ko.

Yun pa nga lang nakita ko sila sa simbahan na masaya nasasaktan at naiirita na ako pano pa kaya kung araw-araw? Malamang siguro mapapaso si Agatha sa tingin ko!

~~~~~

Nakahiga na ako sa kama ko habang nag s-scroll sa fb. Tamang react lang sa mga posts. Nagulat lang ako ng may nag pop na notification.

Agatha Miranda Lacson sent you a friend request.

Wow naman! Talaga? Kanina lang pinag-uusapan namin siya tas ngayon nag send pa ng friend request sakin? Wow lakas a!

Tiningnan ko muna ang profile niya. Marami siyang pics na magaganda. Halos sa lahat ay naka matured outfit siya, like she is really a fine lady! She also have pics with Ed sa isang bar, birthday, kasal, vacation at marami pa,

So ano? Pano niya ako nakilala? Bakit niya ako in-add friend? Para pagselosin?

Or talagang friendly lang siya? Baka naman friends lang takaga sila? Dapat sigurong bawas-bawasan ko ang pagka bitter ko ano?

Ngumuso ako bago pinindot ang accept. Matapos yun ay pinatay ko na ang data ko at natulog.

Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok, di ko naabutan sa hapag si daddy dahil mas maaga siyang umalis. Hanggang ngayon ay di ko alam kung saan magsisimula sa pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa babaeng iyon.

Is she rich? Is she a successful woman? Does she already have a family?

Hanggang sa nakarating ako sa classroom ay ganoon ang laman ng utak ko. Hindi ko nga nalaman kung pano ako matinong nakarating sa room. Hindi ko pa nalaman kung di ko nakitang muli si Horus sa pintuan ng classroom namin.

CHASED BY THE MOON (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon