III.

3 1 0
                                    

III.

Saved and ignored

Kinabukasan ay maaga rin kaming nagising tatlo. Excited rin kasi kaming maglibot ulit sa buong hacienda nina Persy. At siyempre magpapaturo kung pano sumakay ng kabayo. Kasalukuyan kaming pababa na ng hagdan. Nakapagbihis na kami ng attire para dito. Pinahiram kami ni Persy dahil di anman namin alam na magkakaroon kami ng ganitong activity ngayon. Mukha ngang wala kami masyadong inaral, well ganon talaga pag magkakasama kami. Hindi talaga mauuwi sa pag-aaral ang lahat.

Pumasok muna kami sa kusina para mag agahan bago tumulak sa rancho nila. Maraming pagkain na naman ang naka serve sa mesa. May fried eggs, ham, hotdogs, bacon, fried rice at mga sliced fruits.

"Kelan uwi nila tita?" Tanong ko kay Persy.

"Tomorrow uwi nila. Nagka problema kasi sa isang transaction nila. Ang sabi ni Mommy ay suplado raw at arrogante yung anak ng isa nilang customer. Kaya marami pang deals at kung ano pa."

"Well, marami talagang mga spoiled rich brats." Ani naman Penelope.

Tama siya. Maraming mayayaman ang nagiging brat dahil sa estado nila sa buhay. Nang aapak sila ng ibang tao dahil hindi nila iyon kapantay. Well sabi nga nila money can buy anything, pero para sakin money can't buy the good manners. Kaming tatlo nina Persy at Penelope ay pinalaki ng maganda, hindi kami nagwawaldas ng pera para sa sariling kasiyahan. We do donates some of our moneys in the orphanages or any na pwedeng tulungan.

"If alam ko lang na we're going to do this activity I should bring my colorful attires." Ani Penelope. Kakatapos lang naming kumain at palabas na kami ng mansyon.

"Mabuti nga't di mo alam at naging biglaan ito. Mamaya baka mapagkamalan kang rainbow dito sa sobrang colorful mo." Ani naman Penelope.

"Okay, that was too funny." Ani ko at tumawa kasabay si Persy.

"You guys are mean."

Tumatawa kami ni Persy dahil naiinis na si Penelope. Nang nakarating na kami sa rancho ay may doon ng nakahandang mga kabayo na binabantayan ng tatlong trabahador nina Persy. May kulay, puti, itim at brown.

" Margaux!" Sigaw ni Penelope at tumakbong lumapit sa puting kabayo. Kilala na namin ang mga kabayo ni Persy pero never pa naming na sakyan dahil hindi pa pwede non dahil masyado pa daw kaming bata. At nung medyo lumaki na naman kami ay parati naman kaming busy.

"Hey, there Ansky." Bati ko sa kulay brown na kabayo. Napatingin naman ako sa katabi nitong kabayo. Hindi ako familiar dito. "Bago to Persy?"

"Oo, Arsel. Nung isang buwan lang yan dumating. Medyo mailap pa. Hindi ko pa nga alam kung anong ipapangalan ko jan e." Sagot naman ni Persy habang inaayos ang uupuan ni Penelope sa puting kabayo.

"Blacky na lang." Proud na proud na suggest ni Penelope.

"Ano yan aso?" Ani naman Persy.

"Bakit sa dog lang ba yan applicable? May kilala nga akong friend she has a cat but his name is Barky."

"Oh talaga edi bumili ka ng kabayo mo at pangalanan mo ng bubwit para masaya. Para pareho kayo nung friend mo." Tukso naman niya.

Umirap na lang si Penelope "Whatever, Persy. You're always iniinis me." at inopen ang cellphone niya at nag picture.

Napailing na lang ako sa dalawa para silang aso at pusa tas ako palagi ang referee. Tsk.

Lumapit naman ako sa itim na kabayo. Hinimas ko ang kanyang mukha, iniiwas pa nito pero sa huli ay parang umamo na rin sakin.

"I want to ride him. And his name would be Berlux."  Ani ko habang hinihimas parin ang kabayo.

"Seryoso ka, Arsel? Baka mamaya hindi mo ma handle si Ber-Be.. si blacky?"

Humarap naman samin si Penelope. Tinitigan niya ng masama si Persy.

"Nang iinis kaba Persy?" Ani naman Penelope.

"Wala hah. Guilty ka?"

Natawa ako sa sinabi ni Persy. " Tama niyo na yan. His name is Berlux.. Berlux."

"Nice name, Arsel. Pero sigurado ka?" Paninigurado ni Persy.

Ang totoo niyan ay natatakot rin akong sumakay kasi nga first time ko tapos sabi pa ni Persy ay mailap pa si Berlux at bago. Pero gusto kung ako ang unang makasakay dito. Kahit mapa amo ko lang siya ay okay na ako.

"Yup." Ani ko.

Tinulungan ako ni Persy at ng kanilang trabahador na makasakay kay Berlux. Nung una ay medyo ayaw pa ni Berlux pero maya-maya ay tumgil rin ito sa pag galaw. Sumakaya na rin sina Persy at Penelope. Meron pa ring mga trabahadro na nakabantay samin, lalo na kay Penelope dahil para siyang ewan habang sumasakay sa kabayo.

"Omyghad, gumagalaw na siya. Manong you standby lang there."

"Pwede ba, Penelope? Hinaan mo yang bibig mo. At siyempre gagalaw yan mag uumpisa na tayong maglibot e. Wag kang masyadong madaldal jan at baka mainis si Margaux sayo sipaan ka niya." Pananakot pa ni Persy.

Mukha naman natatakot si Penelope na masipa ni Margaux ay tumahimik rin siya. Nag umpisa na kaming maglibot. Una naming pinuntahan ang poultry sunod ay sa gulayan at prutasan nina Persy. Nakarating kami sa manggahan nila. Napakaganda tingnan. Sa gitna ng mga puno ng mangga kami dumaan may daanan roon na kasya ang mga sasakyan, napakagandang tingnan nun dahil nakahilera ng mabuti ang mga puno sa magkabilang gilid. Napaka presko ng hangin.

"So ganito ka lapad na lupain ang mamanahin mo Persy?" Ani Penelope. Nasa gitna namin siya ni Persy. Nililibot niya ang paningin sa mapunong parte ng hacienda nina Persy.

Medyo nasanay na rin kami sumakay kaya pinabalik na namin ang mga trabahador. Kaya kaming tatlo na lang ang naglilibot diro sa manggahan nina Persy.

"Oo nga, Persy. Napakalapad at andaming business nito." Ani ko naman.

Siguro kung ako ang nasa sitwasyon niya ay hindi ko iyon kakayanin. Napakalawak nito at andaming gawain. May manokan, baboyan, gulayan at marami pa.

"Hindi ko muna pinoproblema yan ngayon. I'm still enjoying my life. Hindi naman ako pini-pressure nina mommy o lolo."

"Right." Sang ayon namin ni Penelope.

"Mamitas tayo ng mga mangga." Ani Penelope.

"Marami sa mansiyon, Penelope."

"Pero mas maganda kung tayo ang kukuha. At mababa naman ang mga yan, isang talon lang makakakuha na us." Pilit niya. Kaya ayun bumaba si Persy sa kaniyang kabayo para alalayan ring bumaba si Penelope. Pababa na rin sana ako ng biglaang sumigaw si Penelope na sagi niya pa si Berlux. Siguro ay nagulat si Berlux dahil kay Penelope. Bigla nitong inangat ang dalawang paa niya sa harap at kumaripas ng takbo.

"ARSELL!" Sigaw nina Persy at Penelope.

"AHH, HELP ME!" kinakabahan kung sigaw. Mahigpit ang kapit ko sa lubid na nakasabit kay Berlux. Natatakot ako baka mahulog ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I'm not familiar with these! Patuloy lang akong sumigaw at humihingi ng tulong habang nakapikit at matindi ang kapit sa lubid. Hindi ko alam kung saan patungo si Berlux. At sa di inaasahang pangyayari ay bigla itong umangat uli at dahil sa gulat ko ay di ako nakahawak ng mabuti sa lubid at dahil umangat siya ay sigurado akong nahuhulog na ako. Napasigaw ako habang nakapikit dahil siguradong mababalian ako ng buto dahil sa pagkakahulog kay Berlux pero wala. Wala?

Napadilat ako ng mata ng naramdaman kung hindi ako sa lupa nahulog, kung hindi ay sa dalawang braso ng hindi ko kilalang tao. Ng inayos ko ang buhok kung humaharang sa mukha ko ay nakita kung sa braso ako ng taga pastol nina Persy. Si Edymion. Nakapulupot ang dalawa niyang braso sakin at nakahilig ako sa kaniya.

Niligtas ako. Nailigtas ako ng taga pastol nina Persy.

Edymion saved me.

----

Ang masasabi ko lang ay sana all may taga salo. Hahaha. Ilang ulit na akong nahulog pero sa lupa lahat ang bagsak.

So. Mukang tanga lang ako na kumakausap ngayon sa sarili ko dahil wala pa namana kong readers. Okay lang sanay na akong kausapin ang sarili ko lols.

So anyway, I'm so proud of my self kasi achkk nakaabot na ako sa Chalter 3 tas mag uupdate na rin ako sa chapter 4. Sana matapos ko to huhu.

Stay home and be safe guys. God Bless us all. Xoxo.

CHASED BY THE MOON (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon