VIII.

3 1 0
                                    

VIII.

Unexpected.

Nagising ako. Nilukob kaagad ng purong puti ang paningin ko. Ng tuluyan kung namulat ang mga mata koa y napagtanto kung nasa hospital ako. Nasa gilid ng kama sina mommy at daddy. Ng nakita nilang nakamulat na ako ay agad na tumawag ng doctor si daddy.

"Arsel, baby." Ani mommy. May bandage sa gilid ng labi niya. Kitang kita ang pamumula ng mata niya dahil sa pag iyak.

"Mom... w-where's Apollo?" Tanong ko.

"He left you outside our house Arsel." Ani Daddy.

Apollo did that? Iniwan niya talaga ako don?

"Perion, enough." Saway ni mommy.

"What? I'm right. That bastard left Arsel dying outside our house!" Galit na sabi ni Daddy.

"Could you please shut up right now?! Please!" Galit rin na sabi ni mommy. "Nang dahil sa away niyo nandito si Arsel sa Hospital. So pwede ba? Just shut up!"

Di mapigilang tumulo ng luha sa mga mata ko dahil sa pag-aaway naman ni mommy at daddy ngayon. Bakit ba nangyayari to? Hindi naman ganito dati a? Bakit biglaan? Pinikit ko na lang ang mga mata ko, para makapagpahinga. I'm tired watching them, arguing with each other. Hindi ako sanay sa ganito kaya masakit para sakin to. Dagdagan pa ng sinabi ni Daddy na iniwan ako ni Apollo sa labas ng bahay. But then naaalala ko na nilapitan niya ako. Bumalik siya. Iniwan niya ulit ako?

Nakatulugan ko ang pag iisip. Nagising ako kinabukasan ng maaga. Si mommy ay nakahilig sa sofa. Kaming dalawa lang ang nandito. Tumunog naman ang cellphone ko sa gilid kaya kinuha ko iyon. Maraming message galing sa mga friends ko. Maya-maya pa ay tumunog iyon. Persy's name flashed on the screen. Video call iyon. Sinagot ko iyon.

"hey." Pambungad ko. Magulo pa ang buhok ni Persy habang nakaharap sa screen, mukhang kakagising lang niya. Mukhang nasa labas rin siya ng bahay nila.

"Omyghad girl! What happened? Are you okay? Apollo told me na nasa Hospital ka. I've been calling you last night pero di ka sumasagot, tumawag rin ako kay tita at doon ko na confirm. Are you okay na ba?"

"One by one. By the way., Apollo told you?"

"Yup. He called me last night. Tinawagan ko siya ulit pero di ko na siya ma contact. Why are there pala?"

Napabuntong hininga ako at inumpisahang ikwento kay Persy ang nangyari. Napatingin naman ako kay mommy baka magising siya sa ingay naming dalawa pero mukhang pagod na pagod din siya.

"Omyghad! I hope magka-ayos na sila ni Apollo."  Ani Persy pero di na sa kanya natuon ang tingin ko. Nalipat iyon sa lalaking nasa likuran niya na ngayon ay sumasakay kay Berluz papunta sa direksyon pa rancho. "Uy, natulala ka jan?"

"Ah..ha?" Ani ko ng nawala na sa screen si Ed. "Ano yun?"

Tumingin naman si Persy sa likuran niya at ng binalik niya ang tingin sakin ay ngumisi ito habang naniningkit ang mga mata.

"Naku ikaw hah! Di ka pa gumagaling jan kumakarengkeng kana sa taga pastol namin." Aniya at tumawa ng malakas.

"Ano kaba. Hinaan mo nga yang boses mo baka marinig ka niya." Saway ko dito.

"Malayo na siya, Arsel. Huwag ka ngang masyadong nag-aalala jan. Magpagaling ka na lang." Aniya.

"Kala ko ba sa susunod na buwan balik niya?" Takang tanong ko.

Mukhang di inaasahan ni Persy ang tanong ko. Nag aalinlangan pa itong magsalita pero nagpatuloy rin.

"Ah.. ano kasi.. kinailangan siya..ng nanay niya." Putol-putol at diz sigurado niyang sagot.

CHASED BY THE MOON (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon