XVII.

2 1 0
                                    

XVII

Revelations

Saktong paupo na ako ay bumalik sa mesa si Apollo kasunod ay sina Daddy. Nag umpisa na ang pagkain. Tahimik sa mesa namin, siguradong na feel yun ni mommy kaya nag kwe-kwento siya, tinatanong niya ako at magiging mahaba ang usapan namin. Kaming dalawa lang talaga ang kumikibo sa mesa.

Nang natapos na akong kumain ay tumingin muli ako sa stage. Wala na roon sina Ed tanging si Commander Beult na lang. Asana na kaya siya? Ang hirap pa namang hanapin nun dahil madami ang naka uniporme na tulad niya.

"Rest room lang  ako." Paalam ko bago tumayo at tinahak ang daan papunta sa cr.

"Hi." Napahinto ako sa kalagitnaan ng paglalakad ko dahil may humarang na binata sa daanan ko.

He's tall and yes kinda handsome. Curl ang buhok niya at mas nadepena ang panga niya. Maganda ang hubog ng katawan niya pero di hamak na mas maganda ang katawan ng kilala kung taga pastol.

"Yes?" Ani ko.

Ayaw ko ring maging rude, dahil di namin party to at invited lang kami. Kaya kahit di ko gusto ang presensya ng mga lalaki except kung si Ed ay aayusin ko muna ang ugali ko patungo sa mga toh.

"I'm Lewis." Pakilala niya nag lahad siya ng kamay kaya tinanggap ko.

Bumitiw ako sa pagkakahawak ng kamay namin dahil parang wala siyang balak na pakawalan ang kamay ko.

"May I know your name?" Nahihiya niyang sabi, kita ko pa ang pag lingon niya. Nang sundan ko iyon ay nakita kung tinutukso siya ng mga siguro ay kaibigan niya sa di kalayuan.

A bet? Tss.

"Aurora." Ani ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Aurora is a nice name. Kung magkaka-anak ako gusto ko ipangalan Aurora. Sounds beautiful. Geez.

Matapos kung mag cr ay lumabas na ako ng restroom. Kita kung nag-aabang sa dulo si Lewis. Not a feeler but I know nakaabang siya don dahil sakin.

Kaya imbes na tahakin ang daan patungo sa dinaanan ko kanina ay pumasok ako sa isang pintuan. Di ko alam kung saan patungo pero bahala na. Ayaw kung makita niya ako. I know maraming pasikot-sikot rito sa mansyon ni Commander but it will still going to end up sa malaking hall. And yun ay kung mahanap ko.

Mahabang hallway ang bumungad sakin. May mga bisitang naglalakad at nanonood ng magagandang painting na naka sabit sa pader. Nakakamangha ang mga obra maestra. Napatigil ako sa isang magandang obra. It's a moon, a big round moon then may isang cliff sa gilid kung saan may nakatayong lalaki na tinitingala ang buwan.

"Luna Mi Amor" mahinang pagkakabasa ko ng nakasulat sa baba.

"You love it?"

Napakislot ako sa biglaang pagsasalita ng isang lalaki sa aking gilid. Nang lingunin ko iyon ay nagulat ako ng nakita kung si Commander Beult iyon.

"Po?" Gulat kung tanong. Dumistansya pa ako dito at yumuko.

Naalala ko na naman ang pagkakahuli niya sakin kanina na nakakahiya talaga, super!

Tumawa siya ng mahina. "Don't be shy, hija. Isipin mo na lang na isa akong tiyuhin mo."

Nahihiya akong ngumiti. Malamang naramdaman niya base sa exspression ko na nahihiya nga talaga ako sa presensya niya.

"You like the painting?" Tanong niya sakin. Ng tingnan ko siya ay naka focus ang tingin niya sa painting. "My wife painted it, this was her last artwork."

"Where is she now?" Tanong ko.

"She's with the moon now." Nakangiti niyang sabi. Kahit na nakatagilid siya sakin alam ko na malungkot siya kahit na tapalan niya iyon ng mga ngiti sa labi.

CHASED BY THE MOON (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon