Chapter 3

392 16 15
                                    

At school, people always noticed my hair. Naroon iyong nagtataka nilang tingin kung bakit napayagan akong pumasok na ganito ang kulay ng buhok.

I was taken to dean's office before because of this and even the school guards never failed to warn me.

Since I'm a hard headed, I still didn't color my hair black. I love green so much. Buhay ko naman 'to at ano bang connect nito sa pag-aaral ko?

Ikakababa ba ng marka ko iyon?Magiging bobo ba ako kapag ganito ang kulay niya? I'm well aware that it doesn't fit the school especially my choice of color. As if that would threaten me.

Kaya hanggang ngayon ay panay ang tingin ng ibang estudyante sa akin. I can really steal the spotlight here and I don't care.

"Sumali ka sa Lorenzo's Wives ano?" Reese, on the other hand asked me.

Sa aming apat ay kaming dalawa lang ang same school na pinapasukan. Iyong si Emerald at Summer naman ay magkasama kaya medyo close kami ni Reese.

Syempre, sasakyan ko lagi ang nagiging service niya pauwi.

"Hindi. Bakit?" How did she know about it?A ctive ba 'to sa page na iyon?

She poked me. Naroon iyong mapaglaro niyang tingin sa akin.

"Hindi daw. Akala mo ba hindi ko nakita pangalan mo doon sa mga members? Interesado ka din ano?"

"Ha? Wala namang interesado sa lalaking iyon."

"Ba't ka sumali? Akala ko ba, kay Isaac ka lang?" Umiling ako saka naglakad. She followed me.

"I joined because I wanted to know something about him. But that doesn't mean that I'm interested. Okay na?"

"Asus. Hindi daw."

"Hindi nga. Kulit."

"Talaga?"

"Talaga."

"Mamatay man si Isaac?" I raised my hand, ready to hit her when she laughed. Dinamay pa si Isaac? Anong kinalaman niya dito?

"Gusto mo bang mamatay din si Eustace?" utas ko sa kanya. She stopped and then acted like zipping her mouth.

"Kahit suplado 'yon, baka may chance pang magbago. I wanted to see his soft side."

Umirap ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Some of our teachers instructed us to join a club. Taon-taon nangyayari iyon kaya ngayon ay pahirapan ako sa pagpili.

Last year, iyong acting club ang nasalihan ko tapos ang naging ambag lang doon ay naging isa akong props which is puno since berde naman daw ang buhok ko. Ayoko nang sumali doon, baka maging damo naman na ako.

I've got no choices already because some of the clubs here doesn't fit my interests. Tapos iyong iba ay hindi naman masyadong kagandahan. Required pa naman sa aming may masalihan dahil kung hindi ay bawas points sa grades.

When we reached some booths, loud voices welcomed us. Naroon iyong mga nanghihikayat sa mga clubs nila. Iyong iba naman ay diretso hatak sa ibang nga estudyanteng walang mapagpilian.

Lumapit sa amin iyong isang babae, nakangiti at may bitbit na mga papel sa kamay niya.

"Hi. Wanna join to our club?"

"Anong club?" tanong ni Reese na mukhang interesado. The girl handed us the papers which tells something about their club.

"Math club siya. We're helping some students who are struggling on that subject especially solving. But don't worry, hindi naman talaga siya puro solving. We also offer games which includes Math."

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now