Chapter 4

344 14 4
                                    


My teeth gritted, staring at the screen of my laptop intently.

Ipinikit ko ang mata saka huminga ng malalim, pinapakalma ang sarili dahil sa nabasa mula sa kanya.

Do I look like thirsty to the point that I'm asking him for a sex? Does he even know how much I hate him?

Ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon? Akala mo kung sino porque't nakuha ang simpatya ng mga estudyante sa school.

Kung hindi lang sana ako nanghihingi ng tulong niya ay hindi ko rin naman gagawin iyon. If it's not because of Isaac, I won't talk to him nicely. Siya lang naman kasi ang nag-iisang choice ko.

I didn't replied him because of anger. I scrolled down on my facebook and saw some related posts about him. I rolled my eyes and turned it off.

Puro na lang siya.

Siya ang laman ng social media, bukambibig ng mga estudyante rito tapos siya lagi ang trending. The only man I hate.

Kinabukasan,pagkatapos ng klase namin ay pinapunta kami kaagad sa club. Halos lahat nandoon na at may mga hawak na instrumento. Mostly guitars. Nagtutumpukan sa gawi ni Enzo ang mga babae at nag-uunahan kung sino ang pwedeng turuan.

"Makisali ka do'n," utos ni Reese at siniko ako. Umiling ako saka kumuha ng extrang gitara. Nahawakan ko pa lang iyon ay nangiwi na ako dahil hindi ko alam kung paano gamitin.

"It's better to learn on your own. Tingin mo ba makakasiksik ako dyan?" Inginuso ko ang gawi niya. He's just sitting while strumming the guitar, not paying attention.

Marami naman ang members na naririto pero sa kanya talaga nagtumpukan iyong mga estudyante. Ewan ko ba sa mga dyan. Masyadong choosy.

"Sabagay. I have an idea," she said while getting the guitar and sat next to me. "This weekend, magpaturo ka sa kanya. Spend your Saturday and Sunday to him tapos tanungin mo kung pwedeng i-invite naman niya sina Isaac. Invite mo rin kami para sama-sama tayo."

"Ano? 'Di ba may lakad tayo?"

"Tsk. Syempre kaming tatlo muna. Alam naman ng dalawang 'yon na kasali ka sa club."

"Eh ikaw? Kasali ka din, ah?"

"Ano ka ba. Alam mo namang wala rin akong talent dyan kaya sigurado akong hindi ako makakapasok. Ikaw na nga tinutulak ko sa grasya, aayaw ka pa?" she hissed while trying to strum the guitar. Wala sa tono iyon at mukhang kailangan pang palitan iyong gitara.

"Samahan mo na lang ako sa sabado," kumbinsi ko pero kaagad siyang umiling.

"No ,no, no. Balitaan mo na lang kami."

Pumayag ako. Since aside from going out together with them on weekend, wala na rin naman na akong gagawin pa. So, call it a day with Enzo. Sana nga lang ay hindi mauwi sa sumbatan at away iyon.

Nagpaturo ako sa available na members nila. Good thing they agreed to teach me. Kahit iyong basic chords na lang muna dahil wala naman akong alam. Where to place my fingers and the proper way to hold the guitar also.

Iyon pa lang ay parang suko na ako. Ni hindi ko alam kung may matututunan ba ako dito. Napilitan lang akong sumali, eh. Kung hindi lang dahil sa kaibigan kong magaling, hindi ako nandito.

"Practice lang. Kapag napansin kasi ng head ng club na nagpupursigi ka tapos naibuhos mo lahat ng natutunan sa performance day ay tanggap ka. You don't need to feel scared and nervous."

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now