Chapter 30

283 11 0
                                    



The moment the airplane landed,I already accepted the kind of life I'll be living here.What does it mean if you hear the word 'someone'?Importante ba o parte lang ng buhay mo na parang isang mabilis na hanging dumaan sa harapan at biglang nawala.

The fate became cruel to me.Hindi ko inasahan ang mga pangyayaring bigla-biglang magdudulot sa akin ng pighati at kalungkutan sa ilang taon.I was not prepared.Naging kampante ako sa lahat ng nangyayari sa akin.

Yes,I studied abroad.At first,it was hard for me,pero unti-unti kong nasanay na ang sarili nang dahil sa tulong ng magulang ko.They guided me though I have an experience already living alone.They are always there for me.

Pero siguro nga,hindi nagtatagal ang mga mabubuting tao sa mundo.Months after I started studying here,my father died because of an accident.It was a tragic memory for me.

And worse,hindi ako nakauwi,hindi ako nagkaroon ng pagkakataong masilayan man lang siya kahit sa huling sandali.my mom arranged everything without asking any help from me.

Kung mas masakit sa akin,mas lalo sa kanya.He mourned alone,without having me on her side.Walang araw dati na hindi ako umiiyak mula paggising pati pagtulog.

I had a nightmare as always.Hindi ko napipigilan ang sariling hindi magmukmok tuwing madaling araw.I always start the day crying on my own.Hindi maitatangging naging pabaya rin ako sa pag-aaral rito.

I lost hope.My father died,and looks like a piece of him also lies within my mom.Ilang araw,buwan,taon ang itinagal bago naka-recover si Mama sa matinding pangungulila.Naapektuhan rin ako pero pareho kaming mag-isang lumalaban.

If it's not because of realizing things,I won't be here,already reaching the top.Bumangon ako,inangat ang sarili at nagsikap.Nawalan rin kami ng malaking halaga ng pera dahil sa nangyari.Dumating pa sa punto na ginawa kong suhestyon ang pagbalik sa Pilipinas para doon ituloy ang pag-aaral.

Hindi nangyari.Mas gugustuhin ni Mama na nandito ako at makakapagtapos ng pag-aaral.I agreed.Wala na akong naging kontra sa kanya dahil kahit sa ganoon man lang ay may magawa akong tama pagkatapos ng lahat.

I breathed in heavily as I look at the photo on my phone.It's the official poster for the concert of Labyrinth here.Sa tinagal ng taon,hindi ko aakalaing magiging matagumpay ang banda nila.They reached the top.Walang araw na minsan kong hiniling na sana ay makapunta sila rito.

College days here of being their fan was hard.Na kahit hanggang dito,nadadala ko ang pagiging fangirl sa kanila.I had an updates with them.Sa kanilang apat,si Enzo lang naman ang hindi ko na nakakausap sa ngayon.

Hindi ko alam ang nangyari.After I left,he didn't got a conversation with me anymore.Nakailang mensahe ako sa kanya sa dalawa niyang social media accounts pero hindi ako nakatanggap ng reply.

Kahit iyong three dots man lang,wala.I was sure that we were okay before I left.Hindi nga ako nakapagpaalam sa kanya pero maayos kaming dalawa.

I don't know about his life anymore.Kahit sa IG,wala na ring update.Iyong last post niya,noong taong doon pa lang ako nag-aaral sa Pilipinas.

Nakakapagtanong naman ako sa mga kaibigan ko pero kahit sila ay walang masagot.They got busy with school stuffs kaya hindi na rin nagkakaroon ng oras sa pag u-update sa kanila.The last was about their concert in the Philippines.

Pagkatapos nun ay bihira na lang kaming mag-usap lahat.They're still trying to have some time with me.Naiintindihan ko naman dahil pare-pareho lang din naman kami ng sitwasyon.

I commented,hoping for a reply.Iyon lagi ang ginagawa ko pero kahit isa,wala akong natanggap.

I guess,I am still their fan who wishes to see and watch them nearly.Iyong nangangarap hanggang ngayon na kahit sa isang pagkakataon,masilayan ko ulit sila.

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now