Chapter 6

291 15 7
                                    

For me, it wasn't a big deal to receive something .There were times that I am receiving some gifts unexpectedly and then I appreciated it.

Pero iyong isang bagay na hindi ko naman inasahan mula sa kanya ay talagang nakakagulat.

I was deeply staring at it for the whole time now. Nakasabit na iyon sa sampayan ko at pinapatuyo.

Hindi ko na nilabhan pa dahil hindi naman mabaho o may amoy. In fact, his perfume stays in there. Sadyang mabango kahit mayroon niyang pawis.

Alam kong weird. Pinapahanginan ko lang para matuyo nang tuluyan. And he gave it to me already. It's my property now.

Binuksan ko ang pinto nang may kumatok doon. My friends greeted me wearing their wide smiles. Isasara ko na sana iyon nang biglaan nilang napigilan.

"Oops! Ayaw magpapasok?Napakamakasarili mo naman, Tan," Reese badly joked which made me roll my eyes.

Naupo silang tatlo sa couch saka nila ako tinignan.

"Can you tell us something what happened to both of you today? Alam mo na, curious din kami," Summer started and then crossed her legs.

Ni hindi man lang sila nag-chat sa group chat namin. Wala akong ideya na pupuntahan nila ako dito ng ganitong oras! It's nearly midnight! Matutulog na dapat ako!

"Antok na ako. Save that for tomorrow. And one more thing, you can freely get out of here now. Hindi ako nakakatulog 'pag maingay." Dumiretso akong kusina saka uminom ng tubig. Sinundan nila ako saka hinatak pabalik.

"Geez. Stop doing that!" saway ko pero marahas nila akong pinaupo at pinuwestuhan. I glared at them but they're eager to get something from me.

"So, ano ngang nangyari? Alam mo namang handa kaming makinig rito. Tell us some, every detail." Napairap ako ulit saka napipilitang pumayag sa kanilang kagustuhan.

I already told them about this but they can't be contented. Gusto nilang naririnig lahat nang iyon ng personal mula sa akin. And that was irritating!Paulit-ulit.

Sinabi ko sa kanila kung anong nangyari. Mula sa umpisa hanggang sa ensayo namin at kung anong pinag-usapan namin ni Enzo.

They listened carefully and listed the added facts I told them. Hindi ko rin nakaligtaang sabihin sa kanila ulit ang pagpayag niya patungkol sa banda.

"Eh doon sa football? Anong nangyari? Sana kumuha ka ng video!Hindi 'yong picture lang!"

"Nanalo sila at syempre, binati ko tapos umuwi na. 'Yon lang!" pagtatapos ko ng diskusyon.

"That means, every weekend, he's playing football! G kayo bukas? Punta tayo!" Emerald said excitedly. Umiling kaagad ako dahil panigurado, ako na naman ang mapapahiya.

"We still have practice tomorrow. Saka hindi ko alam kung nandoon siya bukas. At hindi ko rin alam kung matatapos ba kami since iyong performance ko ang i-eensayo namin."

I made that as a reason. I know how much they wanted to see Enzo playing the game. Alam ko namang naging fangirl niya ang mga 'to agad. Ako lang yata ang hindi.

"Are you really sure that you told us everything, Tania?" tanong ni Reese nang may naniningkit na mga mata. I nodded and then yawned. Inaantok na ako.

Naglakad ito papunta sa kung saan ang naging gawi ko kanina. I followed her until she grabbed the jersey hanging in there! Mabilis kong hinablot iyon sa kanya dahil nakangisi na ito.

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now