The next day, I woke up late. Masakit na sikat ng araw ang bumungad sa akin kinaumagahan. My friends are busy cooking and talking with someone outside of my tent. Pati si Reese ay naunang magising sa akin.
Kinusot ko ang mata at humihikab na lumabas ng tent. Pero mukhang pinagsisihan kong lumabas agad dahil napansin rin si Enzo na nandoon, hawak na ang gitara.
Their attention went to me. Mapanuring tingin ang iginawad sa akin ng mga kaibigan ko.
Hindi ko sila pinansin at sandaling nagmumog at naghilamos ng mukha bago bumalik sa kanila.
Nasa ilalim sila ng lilim ng isang puno upang hindi mapaso sa tindi ng sikat ng araw. Naupo ako sa tabi ni Reese kung saan bakante ang pwesto.
"Good morning. How's your sleep?" Felix asked me. Sa tabi niya ang kanyang pinsan na tila naghihintay rin sa magiging sagot ko.
Agad kong iniwas ang tingin nang sandaling madapo ang mga mata ko sa kanya. Nagkunwari akong abala sa kakatingin sa mga pagkaing nakahain.
"Nakatulog naman ako. Buti na lang hindi maingay si Reese."
"Wow, ako pa talaga? Mukha ngang wala ka sa tabi ko kagabi. Siguro may tinignan ka kagabi 'no?"
"You're probably dreaming."
Talagang napansin niya pa iyon kagabi? Lumabas lang naman ako dahil hindi makatulog. 'Yon lang. Hindi ko naman inaasahang nandoon si Enzo at tumutugtog ng gitara niya.
Speaking of his guitar. Iyong lagi niyang gamit na gitara ay nandoon pa sa akin. I was thinking of returning it to him. Wala naman akong balak na hindi isauli iyon sa kanya.
Pero mukhang malabo ngayon. Siguro ay hahanap muna ako ng tyempo para doon. We're not in good terms as of now.
Hindi rin naman ako pwedeng makipag-usap sa kanya habang nasa paligid iyong mga admirers niya. Ayokong maging laman na naman ng usap-usapan sa school. Sakto na 'yong naabot ko sa kanila.
Nagsimula na kaming kumain. Nakakagulat lang dahil medyo kaunti lang ang dala naming mga pagkain pero parang dumami dahil sa dala nila Felix. They combined it together so it looks like a feast now.
Ang kaibahan nga lang, iyong sa kanila puro prutas tapos masusustansya. Habang sa amin ay noodles saka kung ano pang hindi masustansya.
They talked about something. Tahimik lang akong kumakain. Katapat ko lang si Enzo. Nakapabilog kaming upo lahat tapos sa gitna iyong mga pagkain.
"Pwede ba kaming manood? Kaso nga lang mukhang mahirap makipagsiksikan kasi free lang 'di ba?" Emerald asked. Pinag-uusapan nila iyong mini concert ng Labyrinth sa school.
Kung ako ang tatanungin, mahirap nga lalo pa't libre saka marami ang admirers ng isang myembro doon. Ewan ko nga kung mayroong sisigaw ng pangalan ni Isaac doon. Baka nag-iisa lang ako. And that's an advantage. Wala akong kaagaw.
"Of course. It's open for outsiders."
"Yes! Can we request a song?"
"Sure. I can tell Isaac about that. Hindi naman makakatanggi iyon."
Emerald's eyes went on me. Agad siyang napangisi at mukhang sa uri ng tingin ay sa akin ito nakakuha ng ideya. I glared at her to stop from what she's planning. Kahit hindi ko man alam kung ano iyon.
"Can you sing one of Silent Sanctuary's song? Not Isaac. Gusto ko ikaw mismo kumanta."
Natigil si Enzo, na-corner yata ng kaibigan ko. I've heard his voice last night so I think he's got a talent.
YOU ARE READING
Something Great (Valdemora Series #3)
General FictionTania Shiraz De Acosta is an ultimate fangirl of the band called Labyrinth.She likes attending some of their concerts not until someone appeared as another member which turned out to be the band's guitarist. Lorenzo Miguel Valdemora,the member who g...