How can I fight if the person I want to have a conversation with never talks to me?Is this love?Do I love him after all these years?
I was confused because he never talks to me.Nagtataka kung anong nagawa ko tapos sa huli ay malalaman kong nagtampo dahil sa hindi ako nakapagpaalam sa kanya?
Very shallow reason to do that.Bakit ako naghahabol at gustong-gustong makipagkita sa kanya pagkatapos ng lahat?
Ewan.Siguro dahil nanibago ako sa kanya?Dahil hindi niya ako kinakausap.
I am willing to take the risk.Hindi ako magaling sa pagtatago pero kayang-kaya ko naman siyang sundan.
After what we've talked at the coffee shop,I decided that I should go alone.Hindi ko na sila pinilit pang sumama sa akin dahil napakalaking tulong na ang kanilang naibigay.
Helping and searching his schedule for me is a big help already.Suportado at mukhang hanggang ngayon ay naisaisip na nilang kami talaga ni Enzo ang nababagay.
Sounds cheesy.Para akong dalaga na unang beses pa lang magkaboyfriend tapos maghahabol sa lalaki.
This isn't chasing for me.I want clearness from everything.Pagkatapos ko na sigurong makuha mula sa kanya ang sagot ay titigil naman na ako.I will not do this kind of thing again.
Wala akong ideya kung saang beach ba siya pupunta.Maaga pa raw siyang nandodoon at heto ako,nagmamadali dahil sa late na ako.
Nakapag-ayos naman na ako ng gamit.Sadyang nahuli lang ng gising dahil sa sobrang pag-iisip kung ano bang una kong isusumbat sa kanya kapag nagkita na kami.
I've packed my bikinis and even booked a room already though I am still not sure if he is on the exact place.Iisang beach lang naman ang napuntahan ko noon at iyon ay ang kung saan niya ako nasundan dati.
I crossed my fingers while driving,hoping for a hundred percent chance that I'll see him there.Summer na ngayon at paniguradong marami-rami ang mga tao doon.
Ipinark ko ang sasakyan saka nagmadaling bumaba.I am wearing a sundress and shades together with my cap.Iyong backpack ang dala ko at isang shoulder bag lamang.
Nilibot ko ang tingin sa paligid,umaasang makikita siya pero wala.I was not wrong that the place is filled by numbers of people.Marami-rami rin at puro mga kabataan kasama ang kanilang pamilya.
I asked for my key at the front desk.Kinapalan ko na rin ang mukha saka itinanong kung mayroon bang nakapag booked ng room na nakapangalan kay Enzo.
"Are you really sure about that,miss?Wala bang pangalan niya riyan?"tanong ko dahil sa sagot niya sa aking wala raw ang pangalan niya doon.
"I'm so sorry pero wala po.Na double check ko na po pero wala po talaga."
"Lorenzo Miguel Valdemora?Labyrinth?Wala ba?Baka pwede namang pakicheck ulit?"
"I'm sorry miss pero wala talaga."
Napapikit ako ng mariin saka umalis doon,dumiretso na sa magiging room ko.Sikat na sikat ang araw,nakikisabay sa pag-init ng ulo ko ngayon.
I immediately called Reese and asked her again about his schedules.Hindi ko na naiayos pa ng mabuti ang mga dala dahil iyong pagtawag kaagad ang inatupag ko.
"Sigurado ka bang tama ang schedule na nakuha mo?Bakit wala naman siya dito?"I hissed.Iritado kong inalis ang shades saka itinapon na lang iyon ng basta sa kama.
"Malay ko ba eh hindi naman naka-specify kung saang beach nga siya?Ang daming beach kaya!"
"Paano na?Anong gagawin ko kung sakaling wala nga siya rito?"
YOU ARE READING
Something Great (Valdemora Series #3)
General FictionTania Shiraz De Acosta is an ultimate fangirl of the band called Labyrinth.She likes attending some of their concerts not until someone appeared as another member which turned out to be the band's guitarist. Lorenzo Miguel Valdemora,the member who g...