Sandali kaming nanatili doon.I asked him about anything.Pati sa banda ay kinausap ko rin siya.
It's actually unexpected since I imagined myself before this that I am not talking to him.Hindi ako kakausap sa kanya sa ganitong paraan at walang balak na dito talaga manatili.
"Bakit 'Paalam' ang kinanta mo sa school?"nawalan na ako ng topic na pwedeng pag-usapan.Medyo maganda ang modo naming dalawa ngayon.
"I searched for every song of that band.Iyon ang nagustuhan ko kaya iyon ang na-suggest ko."
"Ginusto mo naman ang pagkanta."
"Half of me,yes.I don't want to make you feel disappointed."
Tumikhim ako.Mas lalong lumamig ang klima rito sa labas.Buti na lang nagmagandang loob ito na gamitin ko ang coat niya.He's now wearing a white longsleeve tucked on its pants.Nakapamulsa siya.
"You gave justice.Maganda ang version mo,"puri ko sa kanya.
Tumingin ito sa akin.Iyong mata niya ay ginamit ang pinakamalambot na uri ng tingin.A small smile appeared on his lips before shaking his head.
He shyly did it while I smirked.Masyado na yata ako nitong nagugustuhan.His face reddened a bit.Mukhang kahit na ilang beses naman na kaming nagkasama ay ngayon lang nailang.
Binalewala ko iyon at inubos ang laman ng latang hawak.Kinuha ko ang phone saka mabilisang kinunan ang kanyang mukha.Agad siyang sumimangot nang masilaw sa flash niyon.
Mas lalo akong napasimangot nang tignan iyon.It's a stolen shot but he really nailed it.Kahit na pasimple ko lang kinunan at hindi siya aware doon ay ang gwapo niya pa rin tignan.Para pa rin siyang isang modelong kahit saang anggulo tignan ay walang bahid ng kamalian.
"Why taking a picture of me?"
"Wala naman.Bawal ba?"
"Oo,"seryoso niyang sabi. "But when it comes to you,I'll agree.Walang bawal sa akin kapag ikaw na."
Nagkibit balikat ako.Nagtagal kami ng ilang sandali doon bago napagpasyahang bumalik na sa loob.The party's ending anytime soon.Doon lang rumehistro sa akin na ang tagal pala namin doon sa rooftop.
Nang sandaling makarating na kami ay kaagad na itong naghiwalay sa akin.Pumunta siya sa kung saan ang kanyang grupo habang ako naman ay dumiretso sa mga kaibigan ko.
They're grinning while I walk slowly.Saglit akong napakuha ng isang baso ng wine sa waiter na nagse-serve.
"What's with that face?Saan na si Emerald?"tanong ko at dahan-dahang napainom.Kapwa sila napatingin sa isa't isa na hindi nawawala ang kanilang ngisi.
"Ang tagal mo naman masyado sa labas?May agenda ka ano?"Reese teased me.
"Anong agenda?Wala.May kaunting pag-uusap lang kay Enzo."
"Hmm.Padespedida ba iyan?Last moments with him before going out of the country?Naks,"siko sa akin ni Summer na tila nagniningning ang mata.
I shook my head. "Nag-usap lang naman.Anong masama doon?Bawal bang makasama ang taong ayaw na ayaw mo bago ka umalis?"
"Asus.Pero masaya kami kasi alam mo na,the ship's not sinking."
"Tumigil nga kayo.Stop assuming that we're in a relationship."
"Tanggi ka pa kasi una pa lang.Tignan natin sa huli.Naku,sinasabi ko sa'yo."
YOU ARE READING
Something Great (Valdemora Series #3)
General FictionTania Shiraz De Acosta is an ultimate fangirl of the band called Labyrinth.She likes attending some of their concerts not until someone appeared as another member which turned out to be the band's guitarist. Lorenzo Miguel Valdemora,the member who g...