Chapter 17

239 9 6
                                    

"What on Earth made you say that in front of me?" I chuckled. Hindi naniniwala sa salitang sinabi niya sa akin.

I don't know what he ate. Kung naengkanto ba ito sa pinuntahan namin o talagang trip lang iyon? Who would have thought that he'll say it after treating my wound harshly?Pagkatapos niyang buhusan ng alcohol ang sugat ko?

But he remained still. Seryoso pa rin ang mukha ngunit hindi naaalis ang tingin sa akin.

"You're really a good joker Enzo. Natawa ako, seryoso."

Napainom ako ulit saka tuluyang umalis doon. I went back to the sofa and sat there. Sinundan ko siya ng tingin nang tuluyang maupo rin ito sa harapan ko. I rolled my eyes to let him feel that I'm not in the mood to hear his puns again.

"I'm serious. I like you, Tania."

Napapailing ako. "Seriously? Sa loob ng maikling araw, nagustuhan mo ako? Anong klaseng puso ang mayroon ka, ha?"

I gritted my teeth because of irritation, not accepting the fact that he said to me.

"Puso na kaya kang mahalin."

Naiinis ako. Naiinis ako dahil seryoso ang mga sinasabi ko sa kanya pero mukhang nakuha pang bumanat.

"Look. If you're trying to steal my attention from Isaac, your plan won't work. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo."

"I am not doing that. Ilang beses na akong nagpaparamdam sa'yo pero mukhang nabulag ka dahil puro si Isaac ang laman ng isip mo."

Napapamangha akong tumingin sa kanya. How dare him? At anong problema niya kung si Isaac ang gusto ko kaysa sa kanya?

"So anong gusto mo? Na ikaw na lang ang isipin ko?"

He crossed his arms. Nanghahamon akong tinitigan.

"Bakit? Kaya mo ba?"

"Of course not! You have everything but that won't change the fact that I will choose Isaac over you," pagsabi ko ng totoo sa kanya.

Mahina siyang natawa, may halong sarkasmo saka napatayo. Isinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri. He even traced his jaw, controlling the emotion that he's feeling.

"You know what I'm scared the most?" Hindi ako sumagot. "I'm scared that one day, even if thousand years may come, I will still not be chosen of the woman I love. Masakit na paulit-ulit na sinasampal sa akin ang katotohanang hindi ako ang laging pinipili." He faced me. Malungkot ang kanyang mga ngiti.

My wound's not hurting anymore. Siguro dahil masyadong napuruhan sa pagbuhos ng alcohol kanina kaya hindi ko na maramdaman ang sakit.

"Still, I don't believe you. Sinong tanga ang mahuhulog sa isang tao sa loob ng ilang araw?"

"You're saying it wrong. I didn't fall in love with you for days."

"Then what? A couple of hours being with me in front of the sunset? Doon ba?"

"A year. It took me a year to finally see you again."

Nagulat ako, hindi makapaniwala sa ibinunyag niya.

Taon. Taon ang hinintay niya para tuluyang makita ako... ulit. And I am not aware of that. Kailan at saan ba kami nagkita noong nakaraang taon?

I remembered the picture. Iyong litratong naging photobomber ako. I once saw it on his phone. Noong taon din ba niya ako napansin?

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now